Blood Donation Activity isinagawa sa lalawigan ng Quirino

AGOSTO 18 (Agila Probinsya) — Isang Blood Donation Activity ang isinagawa sa lalawigan ng Quirino na pinangunahan ng mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo kasama ang maraming miyembro nito.

Layunin ng nasabing aktibidad na magkaroon ng pondong dugo para sa mga nangangailangan lalo na ng mga mahihirap na mamamayan na walang sapat na pangbayad dito.

Kaagapay sa nasabing aktibidad ang Isabela General Hospital Blood Bank.

(Agila Probinsya Correspondent Jayson Naval)