OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng malaking Blood Letting Program ang Lungsod ng Olongapo kung saan pinangunahan ito ng Liga ng mga Barangay Sa Pilipinas – Olongapo City Chapter at sa pakikipagtulungan ng Disater Risk Reduction Management Council (DRRMC).
Isinagawa ito sa Rizal Triangle Sports Complex na nilahukan din ng mga Local Government Units at barangay officials sa nasabing lalawigan.
Ayon kay Brgy. Captain Randy Sionzon ng Brgy Kalalake, kasalukuyang Presidente ng Liga ng mga Baragay sa Lungsod, layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga residente ng Olongapo na magkaroon ng mabilis na access sa pagkuha ng dugo.
Ang mga dugong nalikom ay ibibigay sa James L. Gordon Hospital na siyang pangunahing pinagkukunan ng mga nangangailangan ng dugo sa lungsod. Kailangan lang na kumuha ng sertipikasyon mula sa kanilang Barangay Captain upang makakuha ng libreng dugo sa kanilang blood bank.
Kasama din sa nasabing programa ang mga volunteers mula sa Red Cross, James L. Gordon Memorial Hospital, PNP, PNP Special Task force at iba pang non-government sectors.
Nagpapasalamat din si Brgy Captain Sionzon sa lahat ng indibidwal na nag-donate at nakiisa sa nasabing programa.
Sandy Pajarillo – EBC Correspondent, Olongapo City