Blood  Donor Recruitment  at Mobile Blood Donation ng PNRC, isinagawa sa Urdaneta City

Nagsagawa ng blood donor recruitment at mobile blood donation ang Philippine National Red Cross o PNRC Urdaneta City Chapter kaugnay sa pagdiriwang ng World Blood Donor Day na may temang “Share Life Give Blood” sa isang kilalang mall sa Urdaneta City, Pangasinan.

Ayon kay Urdaneta City Branch Coordinator ng Philippine National Red Cross  Honeylete Noe, anim na school sa eastern Pangasinan ang naging donor sa nasabing aktibidad. Ito ay ang Lapalu Elementary School, Salpad Elementary School, Cabuluan Elementary School, Calanutan Elementary School, Villa Jose Elementary School at San Isidro National High School ng San Nicolas.

Ang mga eskuwelahang nabanggit ay makakatanggap ng school supplies mula sa Philippine National Red Cross.

Ang layunin ng programang ito ay ang makalikom ng healthy, safe, quality at reliable blood mula sa mga donor.

Ayon naman kay Hannah  C. Losano, isang young red cross donor recruiter ng San Isidro National High School, sumali siya sa aktibidad na ito upang makahikayat pa ng ibang tao na mag-donate din ng dugo upang makatulong sa pagsagip ng buhay ng  mga nangangailangan nito.

Ang vision target ng nasabing aktibidad ay ang makalikom ng 100 bags ng dugo na naglalaman ng 450 ml. kada bag.

(Eagle News Correspondents Rusell Failano, Von Ryan Rodrigo)

 

image (3)

image

image (2)

image (2)