MARIVELES, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Blood Letting Activity ng Lokal na Pamahalaan ng Mariveles, Bataan katuwang ang Philippine Red Cross kamakailan bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Municipal Day of Charity”. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Dugong Alay, Sagip Buhay”.
Personal na pinangunahan ni Mariveles Mayor Ace Jello Concepcion ang pagdo-donate ng dugo. Kasama rin sa mga nag-donate ng dugo ang ilang estudeyante ng Maritine Academy, BJMP, BFP, mga miyembro ng Sanguniang Bayan ng Mariveles, mga Empleyado, at mga volunteers.
Ayon kay Mayor Concepcion, tuwing buwan ng Nobyembre isinasagawa nila ang Charity Day na nagsimula noong salantain aniya ng Bagyong Yolanda ang Tacloban na kung saan nagbigay ng tulong ang bayan ng Mariveles kasabay din ng pagdedeklara ng Municipal Day of Charity.
Ang pangunahin namang makikinabang sa nasabing blood donation ay ang mismong mamamayan ng Mariveles.
Larry Biscocho – EBC Correspodent, Bataan