Blood Letting Program pinangunahan ng kapulisan

 

TAGUIG, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng Blood Letting Program sa SAF Covered Court, Camp. Bagong Diwa, Bicutan, Taguig, noong Martes, Disyembre 6,sa ganap na alas 8 ng umaga.  Nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang mga pulis ng Taguig at Parañaque.

Ang mga naipon na dugo ay mapupunta sa UP-Manila-PGH na naglunsad ng nasabing programa. Ang aktibidad ay may temang “Lets make love by giving blood this holiday”.

Em dela Cruz – EBC Correspondent, Taguig

Related Post

This website uses cookies.