SURIGAO DEL NORTE (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Blood Letting na proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Surigao del Sur at Caraga Regional Blood Bank. Idinaos ito sa Provincial Convention Center noong Lunes, Enero 20. Ang nasabing aktibidad ay may temang “Share life, Give Blood.”
Pinangunahan ni Vice Governor Arturo Carlos Egay, Jr., ang pag-do-donate ng dugo at ng mga empleyado sa lalawigan. Umabot sa 28 bags ang nakolektang dugo, mayroon namang 14 deferred dahil sa iba’t ibang kaso.
Ayon kay Dr. Maria Isabel Makinano, Provincial Health Officer II, ang nasabing proyekto ay pagtugon sa kakulangan sa supply ng dugo dahil sa maraming kaso ng dengue sa buong lalawigan. Plano rin ng Provincial Health Office na gagawing regular ang Blood Letting sa mga empleyado bilang tulong sa pangangailangan ng Blood Bank.
Muling nanawagan ang mga tauhan ng Provincial Health Office sa mga Surigaonon na may kakayahang mag-donate ng dugo na pumunta na lang sa Caraga Regional Blood Bank para masuri kung sila ay pwedeng mag-donate.
Jabes Azarcon – EBC Correspondent