Bilang bahagi nang pagsukat sa kanilang kasanayan, nagsagawa ang SCAN International ng isang boat-making contest gamit ang recycled materials.
Hinati ng SCAN ang kanilang miyembro sa apat na grupo at gamit ang mga lumang drum at plastic bottles, nagpaligsahan ang bawat grupo sa pagbuo ng mga improvised na bangkang maaring magamit tuwing panahon ng kalamidad.
At upang masubukan kung gaano katibay ang mga ginawa nilang bangka, ginamit ito sa Baywalk Aplaya sa Calamba City.
Sinaksihan ang nasabing kumpetisyon ng mga taong namamasyal malapit sa aplaya at ng mga bantay dagat na umasiste sa nasabing okasyon.
Layunin ng nasabing aktibidad na mahasa pa ang kasanayan ng mga miyembro ng nasabing organisasyon lalo’t panahon nanaman ng tag-ulan.
Ang SCAN International ay isang private organization na katuwang ng pamahalaan lalo na sa mga panahon ng mga kalamidad.
(Agila Probinsya Correspondent Ronaldo Duran)