Body camera pinasusuot na sa PNP-Laguna

(Eagle News) — Gumagamit na ng body camera ang mga pulis na sumasabak sa operasyon sa bayan ng Pakil, Laguna. Nabigyan sila ng sampung (10) unit ng body camera na donasyon mula pa sa Amerika. Sa ngayon, pinag-aaralan na ng mga pulis ang pagagamit dito.

Sa pamamagitan nito, malalaman kung sa mga operasyon ng kapulisan ( search warrant, arrest warrant, patrols, etc. ) ay tama ba o naaayon sa batas at alintuntunin ng PNP ang kanilang ginagawa.

Dahil dito, maproprotektahan ang karapatan ng mga mamamayan at gayundin ang mga pulis sa mga maling akusasyon.

Ayon kay PInsp. Gonzales , Chief Of Police Pakil MPS , aniya layunin nitong matulungan ang mga pulis sa trabaho at para mawala na rin daw ang mga duda ng ilang mamamayan  at magsisilbi raw itong proteksyon sa kanilang mga operasyon kontra droga.

Related Post

This website uses cookies.