(Eagle News) — Positibo ang epekto ng pagsasara ng Boracay sa ibang lalawigan sa Western Visayas na mayroon ding tourist attractions.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), may mga potensyal ang ibang lugar sa nasabing rehiyon.
Bagaman malaki ang bahagi ng Boracay sa turismo, ang pagsasara nito ay hindi gaanong makaka-apekto sa kabuuan ng industriya.
Nitong 2017, nakapag-tala ang Western Visayas ng 5.8 million tourist arrivals na mataas sa target na 5.5 million.
Nasa 5.8 million ang target ngayong 2018 at 6.1 million naman sa 2019 na kayang maabot kapag mapa-lago ang ibang tourist destination.
Samantala, nananatili ang Negros Occidental bilang pangalawang pinaka-popular na tourist attraction sa Western Visayas kasunod ng Boracay.
Ayon sa Department of Tourism, nitong 2017 ay umabot sa 1.72 million ang tourist arrivals sa Negros Occidental katumbas ng 29 percent para sa western Visayas.
Ang madalas puntahan ng mga turista ay Bacolod, Sipalay, San Carlos, Kaban-Kalan, Cadiz, Talisay at Murcia.
Kabilang din ang hosting ng meetings, incentives, conventions at exhibitions sa mga dinarayo sa Negros Occidental.Aily Millo