Brgy. Captain sa Davao del Sur, patay sa pananambang

(Eagle News) DAVAO DEL SUR– Patay ang isang barangay captain sa Davao del Sur habang sugatan naman ang kasama nitong tribal leader nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Marber ng naturang lunsod kaninang ala-una ng hapon.

Ayon sa mga otoridad, agad na namatay sa naturang pamamaril si Edison Alisoso, kapitan ng Brgy. Altavista, Bansalan, Davao del Sur habang malubha namang nasugatan ang kasama nitong si Emilito Angga, isang tribal leader.

Dagdag pa ng kapulisan, nakasakay sa motorsiklo ang mga biktima nang pinagbabaril ng dalawang suspek na agad namang tumakas matapos ang pananambang.

Kaugnay nito, ayon naman kay Bansalan Mayor Edwin Reyes, galing sa kaniyang tahanan ang mga biktima bago naganap ang krimen.

Sinabi aniya ni Alisoso sa kaniya na mayroong death threats ang kapitan kaugnay aniya ng pulitika.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan sa naturang insidente.

 

Related Post

This website uses cookies.