British national na nagmamay-ari ng hindi lisensyadong mga baril, arestado ng CIDG

AngBritish national na nakilalang si Matthew Marney na nagmamay-ari diumano ng mga hindi lisensyadong baril (Photo courtesy of CIDG)

Ni Mar Gabriel
Eagle News Service

Arestado sa isinagawang operasyon nitong Huwebes, Nobyembre 23, ng Criminal Investigation and Detection Group-Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) ang isang British national dahil sa pag-iingat ng mga hindi lisensyadong baril sa inuupahang bahay nito sa Valle Verde Brgy. Ugong, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Matthew Marney at ang kasamahan nito na si Rommel Castillo na isang Pilipino.

Sa bisa ng search warrant, hinalughog ng mga operatiba ng CIDG ang bahay ng mga suspek kung saan narecover ang limang piraso ng kalibre kwarenta’y singkong baril, bladed weapon at stun gun at iron fist knuckles.

Ikinasa ang operasyon sa dalawa matapos na makatanggap ng sumbong ang CIDG hinggil sa mga namamataang armadong lalaki sa lugar.

Sa isinagawang beripikasyon ng CIDG, lumalabas na walang anumang baril na nakarehistro sa mga suspek.

Dahil dito, mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Law.

Nakikipag-ugnayan na rin ang CIDG sa British embassy para sa mas malalim na imbestigasyon sa background ni Marney.

 

Related Post

This website uses cookies.