BSP, inilabas ang bagong disenyo ng new generation currency banknotes

(Eagle News) – Inilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong disenyo ng new generation currency banknotes.

Tampok dito ang lagda ni BSP Governor Nestor Espenilla Jr., at mga bagong disenyo mula sa kasaysayan, world heritage sites at natural wonders.

Ang mga bagong banknote ay alinsunod sa mandato ng BSP na mapanatili ang integridad ng salapi ng bansa.

Ayon sa BSP, ang banknotes ng bansa ay nagsisilbing paalala sa kabayanihan, katapangan at pag-lalakbay sa magandang kinabukasan ng mga Pilipino.

Related Post

This website uses cookies.