(Eagle News) — Kinukonsidera ng Bangko Sentral ng Pilipinas na gawing madali sa publiko ang pagbubukas ng basic bank account. Ayon sa BSP, dapat ay mababa ang requirements, walang bayad, aberya at maintaining balance.
Target ng BSP ang beneficiaries ng Conditional Cash Transfer Program na magbukas ng bank accounts dahil sa sa ganitong paraan ay direktang mapupunta ang kanilang pera sa account sa pamamagitan ng national retail payment system.
Batay sa 2014 Consumer Finance Survey ng BSP, 86 percent ng mga pamilya sa bansa ang walang deposit accounts.