MANILA, Philippines (Eagle News) — Inalerto ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga local financial institutions kasunod ng cyber attack sa Malaysian Central Bank.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla, inilabas nila ang isang general alert reminder matapos na makatanggap sila ng advisory mula sa Bank Negara Malaysia (BNM) na kailangan maging mas maingat sa long holiday sa bansa.
Iginiit ni Espenilla na ang “information sharing” na ito ay bahagi ng kanilang pinaigting na protocols kontra cybercrime.
Nabatid na inilabas noon pang Miyerkules ang naturang alert at magmula noon ay wala naman silang natatanggap na specific threat.