(Eagle News) — Sisiyasatin ni bagong Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang Buhay Carinderia Program ng Tourism Promotions Board sa gitna ng umano’y mga iregularidad nito.
Ipinatatawag ni Puyat si TPB chief Cesar Montano para pagpaliwanagin kung bakit nagbayad ito ng P80 milyon na tseke bago pa matapos ang naturang food tourism program ng gobyerno.
Unang nabalita na isinagawa ni Montano ang pagbabayad sa isang Linda Legaspi para sa programa na may layuning i-promote ang mga Filipino home-cooked cuisine.
“I’ve actually arranged for a meeting kay Mr. Cesar Montano to ask about ‘yung mga nabasa ko tungkol sa Buhay Carinderia, kung totoo ba na walang bidding at ano ‘yung P80 million na… ang pagkabasa ko P80 million na advance,” sabi ni Puyat, na pumalit sa nagbitiw na si DOT Secretary Wanda Tulfo-Teo.
Matatandaang naitalaga si Montano bilang Chief Operating Officer ng TPB noong 2016.