Bulkang Kanlaon, nakapagtala ng 14 na volcanic quakes – PHIVOLCS

NEGROS Nakapagtala ang Philippine Institute Of Volcanology And Seismology (PHIVOLCS) ng labing apat na pagyanig sa nakalipas na 24 na oras.

Gayunman, nananatili pa rin ito sa alert level one at walang gaanong usok sa bunganga ng bulkan. Ang bahagyang deformation ng lupa sa paligid nito ay katulad pa rin ng nai-record noong buwan ng Disyembre.

Sa kasalukuyan ay umiiral ang 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) sa paligid nito. Ang nasabing bulkan ay matatagpuan sa probinsya ng Negros Oriental.

Related Post

This website uses cookies.