ROSALES, Pangasinan (Eagle News) – Isinagawa sa Rosales, Pangasinan ang Buntis Congress 2017 kamakailan.
Nilahukan ito ng 300 na mga kababaihang buntis. May tema itong “Isiguro ang kaligtasan ng malusog na pagbubuntis.”
Sa nasabing programa ay nagkaroon ng search for healthy preggy mom, pre-natal check up, usapang macho, mass blood donation, at oral health lectures na kung saan binigyan din ng vitamin c ang mga mommies.
Ayon kay Dra. Elizabeth Alimorong, ang Buntis Congress ay programa ng Department of Health. Layunin nito ay maging aware ang mga buntis na kailangan nilang magpa-check up sa bawat schedule para maiwasan at maagapan ang pagkasakit.
Dagdag pa niya, kailangan din nilang tutukan ung mga teenager sa nasabing lugar dahil sa may mga maagang nabubuntis sa edad 14 pa lamang. Kailangan aniyang masuri at mabantayan ito dahil hindi pa well developed ang kanilang katawan para sa pagbubuntis. Ang mga teenagers at marami ng anak ang isa sa mga tinututukan ng Buntis Congress.
Juvy Barraca – EBC Correspondent, Rosales, Pangasinan