Buong barangay Panicuason, Naga City, pinutulan ng suplay ng tubig

Pinutulan ng suplay ng tubig ang buong barangay ng Panicuason sa lungsod ng Naga. Ayon sa Metropolitan Naga Water District o MNWD, ito ay dahil sa ilegal ang koneksiyon ng tubig sa nasabing lugar .

Binatikos naman ng alkalde ng nasabing bayan ang pangulo ng Water District dahil sa umano’y hindi makataong aksyon. Sa kabila ng bantang posible silang maharap sa kaso, ibinalik naman ng mga residente ang pinutol na linya ng tubig. (Naga City, Philippines)

(Agila Probinsya Correspondent Richard Cecilio, Eagle News Service MRFaith Bonalos, Jericho Morales)