Butuan City nasa ilalim na ng state of calamity

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Aprubado na ng Sangguniang Panglungsod ng Butuan City ang rekomendasyon ng CDRRMC council na ipailalim na sa state of calamity ang nasabing lalawigan. Ayon kay Vice Mayor Jose Aquino II, magagamit ng gobyerno ang 5% ng calamity funds para sa restoration, rehabilitation at relief purposes.

Tinatayang nasa 32,443 pamilya mula sa 39 barangay ng Butuan ang apektado ng baha. May 6,093 na pamilya naman ang sa kasalukuyan ay nasa mga evacuation centers pa at Barangay covered courts. Papinsala rin ang mga pananim ng agrikultura na tinatayang nasa 9 milyon pisos na mga palay at mais.

Nasa Code Red Flood Alert pa rin ang Agusan River na may 3.18 meters elevation. Suspendido pa rin ang klase hanggang sa kasalukuyan mula Pre-school hanggang College ng Pampubliko at pribadong paaralan. Ang Sangguniang Panglungsod na ang may control at nagmo-monitor sa presyo ng mga pangunahing bilihin habang nasa state of calamity pa ang siyudad.

Eralie Bernades – EBC Correspondent, Agusan del Norte

Related Post

This website uses cookies.