Ang buwan ng Agosto ay Buwan ng Wika

QUEZON City, Philippines (Agosto 9) – Ang ‘Buwan ng Wika’ ay isang taunang selebrasyon na ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto, alinsunod sa Proclamation 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Bukod pa rito, ang buwan ng Agosto ay siya ring kapanganakan ng Ama ng Wikang Pambansa na si dating Pangulong Manuel L. Quezon na isinilang noong Agosto 19, 1878.

 

Ayon sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ang tema ng pagdiriwang sa taon na ito ay “Filipino: Wikang Mapagbago.” Ito rin ay naaangkop sa mga adbokasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maitaguyod ang mga repormang higit na makapagpapatatag sa bansang Pilipinas.

 

Layunin ng programang ito ay ang mahikayat ang bawat Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa at sa pagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko.

InfographicsName