Buwanang kontribusyon ng SSS, ‘di pa itataas

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nilinaw ng Social Security System (SSS) na hindi pa nila tinataasan ang rate ng buwanang kontribusyon ng mga miyembro nito.

Ayon kay SSS chairman Amado Valdez, nananatili sa 11 percent ang contribution rate at wala pang pagbabagong ginagawa.

Matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Php 2,000 sa monthly pension ng mga retiradong SSS members, kung saan natanggap na nila noong Marso 2017 ang unang tranche nito na Php 1000, magpapatupad sana ang SSS ng 1.5 percent hike sa contribution rate nito noong Mayo 2017.

Giit ng SSS, kinakailangan ang mas mataas na kontribusyon dahil umikli ang pondo nito kasunod ng pension increase.

Pero ipinagpaliban muna ang pagtataas sa kontribusyon, ngunit ayon kay Valdez ay ipatutupad ito kapag nagsimula nang umarangkada ang tax reform law.

Ipinapanukala rin ng SSS na i-adjust ang maximum credit salary mula Php 16,000 hanggang Php 20,000.

https://youtu.be/hUGYg2BjnAY