Cagayan de Oro City isinailalim na sa State of Calamity

CAGAYAN DE ORO, Philippines (Eagle News) — Isinailalim na sa state of calamity ang Cagayan de Oro City kasunod ng malakas na ulan na nagdulot ng mga pagbaha sa lungsod.

Dahil sa malakas na buhos ng ulan dulot ng low pressure area ay maraming lugar sa lungsod ang nalubog sa tubig baha.

Nagpatupad na rin ng forced evacuation sa mga barangay ng Tumpagon, Pigsag-An, Lumbia, Tuburan, Pagalungan, Sansimon, Iponan, Bulua, Pagatpat, at Canitoan.

Tumaas na kasi sa critical level ang antas ng tubig sa iponan river kaya mas delikado sa pagbaha ang mga lugar na nakapalibot dito lalo na ang mabababang lugar.

Itinalaga namang evacuation centers ang Macasandig Covered Court, Aluba Catholic Church, Xavier University Gym, Patag 4th ID Gym, Nazareth Covered Court, Canitoan Covered Court, Bulua Covered Court, Bonbon Covered Court, Bugo Gym, Agusan Gym, Corrales Elementary School at Barangay 7 Barangay Hall.

Sinuspinde na rin ang klase sa mga eskwelahan mula Preschool hanggang High School.

Habang sa kolehiyo at unibersidad naman ay ipinaubaya sa mga school heads o administrators ang suspensyon ng klase.

Related Post

This website uses cookies.