Camarines Sur makararanas ng 9 na oras na brownout

CAMARINES SUR, Philippines (Eagle News) — Makararanas ng siyam na oras na brown-out ang mga residente sa ilang lugar sa Camarines Sur bukas, Hulyo 21.

Ayon sa advisory ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ito ay dahil sa nakatakdang pagpapalit ng mga poste ng kuryente, cross-arms, insulators at iba pang luma at sirang hardware sa 69 KV line mula Naga hanggang Tinambac.

Mag-sisimula ang power interruption sa ganap na alas- otso (8:00) ng umaga hanggang alas-singco (5:00) ng hapon.

Tinukoy rin ng NGCP ang mga apektadong lugar at sinabing gagawin ang lahat para maagang bumalik ang power supplies.

https://youtu.be/RgeOa-l87rk