(Eagle News) — Magsisimula na bukas, Pebrero 12 ang kampanya sa national level para sa midterm elections.
Bunsod nito, pinatatanggal na ng Commission on Elections ang mga nagkalat na campaign materials ng mga kandidato bago ang ganap na pagsisimula ng kampanya.
Sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez, na dapat sundin ng mga pulitiko at kanilang mga taga-suporta ang direktiba ng poll body, para hindi sila mapatawan ng election offense na maaaring maka-apekto sa kanilang kandidatura ngayong eleksyon.
Ayon kay Jimenez, nagpadala na sila ng sulat sa mga kandidato at mga political party para alisin ang kanilang mga campaign materials na nagkalat sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Aniya, hindi na nila inaasahang sasagot ang mga ito, nguni’t umaasa sila na tatalima ang mga ito sa direktiba ng Comelec.