Canadian government naglabas ng travel advisory sa mga bibiyahe sa Pilipinas

(Eagle News) – Naglabas ng travel advisory ang Canada laban sa pagbiyahe sa Pilipinas.

Ito ay dahil umano sa mataas na banta ng terorismo, gaya ng nangyari sa Marawi, at kaso ng pagdukot.

Sa pamamagitan ng travel advisory, pinayuhan ng gobyerno ng Canada ang kanilang mga mamamayan na iwasan ang magtungo sa Mindanao kabilang ang mga lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Cotabato, General Santos, Isabela, Jolo, Kidapawan at Zamboanga. (Eagle News Service)