CARAGA State University sa Butuan City nanguna sa 2017 Geodetic Engineering Board Exam

BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Nagbubunyi ngayon ang CARAGA State University-Butuan City main campus matapos itong manguna sa isinagawang 2017 Geodetic Engineering Board Examination.

Ayon sa ideneklarang ranking ng Professional Regulation Commission (PRC) ay nag-Top 1 si Jonel Vernante, isang Cum Laude at scholar ng Department of Science and Technology (DOST), na may total percentage rating na 89.00%. Hindi lamang top 1 ang nasungkit ng unibersidad sa isinagawang eksaminasyon, nakuha rin nito 5th place na nasungkit naman ni Arturo Cauba na may markang 86.80%.

Kilala rin ang unibersidad bilang home of the “top-notchers” lalong-lalo na at makailang ulit na itong nanguna sa larangan ng engineering at iba ipang curriculum.

Inaasahang isasagawa ang oath taking ng mga bagong geodetic engineers ngayong buwan ng Nobyembre.

 

Nova Villafañe, Eagle News Correspondent