PATULOY na pinakinabangan ng mga residente ng iba’t-ibang barangay sa lalawigan ng Capiz ang Programa ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na tinawag na “Cash for Work”.
Noong nakaraang Marso ay nakinabang ang 216 na pamilya sa programang ito. Nilalayon ng programang ito na matulungan ang mga residente na magkaroon ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagseserbisyo tulad ng pag re-restore ng Mangrove Forest sa kani-kanilang Barangay, paglilinis ng kapaligiran (gaya ng ng baradong irrigation canal at iba pang mga water ways) at pagtatanim ng mga halaman at gulay sa loob ng 15 araw.
Napakaganda ng programang ito sapagkat nakatutulong na sa mga residente at nakatutulong rin sa kalikasan. Ang mga benepisiyaryo ng cash for work na ito ay umabot sa 170 sambahayan na mga taga Brgy. Bolo Roxas City na nakatanggap ng Php 4,477.50.
Laking pasasalamat naman ng mga residente sa lokal na Pamahalaan ng Roxas City sa ganitong programa na nakatutulong sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.