(Eagle News) — Maaga pa lamang ay nagsimula ng maglinis ng kapaligiran ang may 26 na katao sa Barangay Hulo, Meycauayan City.
Sa pangunguna ni Konsehala Marissa Dimasin, sinimulan nilang linisin ang lahat ng mga baradong kanal na kung saan namumugad ang mga lamok na nagdadala ng sakit na dengue.
Nilinis din nilang lahat ang mga nagkalat na basura at maging ang mga sulok-sulok ng daan.
Ang cash for works program na proyekto ng lokal na pamahalaan ng Meycauayan City ay may layong mabigyan ng trabaho ang lahat ng mga walang pinagkakakitaan sa bawat barangay.
Anila isa itong magandang pagkakataon na kumikita na sila at natutulungan pa ang kanilang barangay na maging maayos at malinis ang kanilang kapaligiran.