Diskusyon

Payatas landfill, ganap nang ipasasara sa katapusan ng 2017

Bago matapos ang kasalukuyang taon, ipinasya ng pamahalaang lungsod ng Quezon na tuluyan nang ipasara ang Payatas sanitary landfill, ito ay dahil malapit ng umabot ang nasabing landfill sa kanyang limitasyon. Pero tiyak na malaking problema ito sa usapin sa basura lalo na ang mga residente at mga establisyemento sa Quezon City. Bukod dito, marami sa ating kababayan na dito umaasa para sa kanilang kabuhayan. https://youtu.be/dEYIhYbbAkw

Pagtalakay sa katatapos na 30th ASEAN Summit kasama si Former Ambassador Jose Apolinario Lozada

Kamakailan ay ginanap dito sa bansa ang 30th ASEAN Summit na ito’y nakapaloob sa 50th na ASEAN Summit. Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga delegado mula sa sampung bansang kasapi nito na ito’y malulubos sa darating na Nobyembre na nakatakda namang ganapin sa Clark, Pampanga. Subalit nito lamang isinagawang mga pagpupulong ng mga ASEAN Leader. Inasahan ng maraming Pilipino na mapag-uusapan dito ang ginagawang militarisasyon at tila pambubully sa atin ng China. Ngunit hindi ito […]

Sunod-sunod na road accidents, ikinababahala ng publiko

Naa-alarma na ngayon ang publiko dahil sa sunod-sunod na aksidente na kinasasangkutan lalo na ng mga pampublikong sasakyan. Kaya naman ang isyu ay umabot na rin hanggang sa Senado, na nais matutukan ang kapakanan at kaligtasan ng mga mananakay at mga motorista. Malaking oras ang nasasayang dahil sa traffic, na hanggang sa ngayon ay hindi parin nahahanapan ng solusyon. Sayang ang perang mabilis sanang iikot at lalago kundi lang sana sa abala na dala ng […]

Senior high sa paparating na school year, patuloy na pinaghahandaan

Patapos na nga ang school year 2016-2017 at sa loob ng isang taon ay anu-ano ang ilang nasagupang suliranin na ngayon ay alam nating pinagsusumikapan namang matugunan ng ating pamahalaan sa pamamagitan ng kagawaran ng edukasyon. Atin ding kumustahin ang isang taon na namang lumipas na sumasandal na sa K-12 program ang ating bansa. https://youtu.be/AvtnvYn7ltw

Barangay, SK elections 2017, planong ipagpaliban ng Duterte administration

Plano uli ni pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban ang nakatakdang barangay elections ngayong darating na Oktubre. Sinabi ni Duterte na hindi niya papayagang mahalal ang mga personalidad na sangkot sa iligal na droga na gagamitin lamang ang drug money para sa kampanya. Ayon sa Pangulo hihilingin nito sa kongreso na magpasa ng batas o resolusyon para hindi matuloy ang barangay elections dahil 40 percent ng mga kapitan sa buong bansa ay sangkot sa iligal na […]

US stocks, dollar fall ahead of Trump inauguration

NEW YORK, United States (AFP) — US stocks retreated and the dollar fell against most currencies Thursday in the final session before the inauguration of President-elect Donald Trump. Equities elsewhere were mixed, with Japan’s Nikkei climbing on a weaker yen, while European equities fell modestly after the European Central Bank kept interest rates low and adopted a generally dovish stance on monetary policy. Some analysts described heightened uncertainty about Trump among investors in the US, […]

Diskusyon – Basic Law, Susi nga ba sa Kapayapaan sa Mindanao?

Sa paghahanap ng pamahalaan ng solusyon sa mga suliranin at sa mahigit apat na dekada nang kaguluhan sa Mindanao, nakita ng gobyerno ang tugon para sa ganap na kapayapaan sa rehiyon na ang susi umano ay ang Bangsamoro Basic Law o BBL. Ang BBL ay nagbibigay ng karapatan na magkaroon ng sariling awtonomiya ang mga taga Mindanao. Ngunit marami ang walang ideya o duda pa sa panukalang ito. Sa episode na ito ating hihimayin at […]

Diskusyon – MRT, LRT Fare Hike, Patuloy na Inaalmahan ng Ilang Sektor

Muli na namang uminit ang panawagan na bawiin na ng DOTC ang ipinataw na dagdag singil sa pasahe sa MRT at LRT. Sunod-sunod na naman kasi ang naging aberya sa MRT. Maraming pasahero ang naantala at ang ilan naman ay nasugatan. Ito’y sa kabila ng sinasabing pagsasaayos o rehabilitasyon para sa MRT at LRT. Ayon kay Riles Network Spokesperson Sammy Malunes, dapat aksyunan na ng Supreme Court ang inihain nilang petisyon kontra MRT at LRT […]

Senate Probe sa Mamasapano Incident na Ikinamatay ng 44 PNP-SAF Commands

Patuloy na tinututukan ng sambayanan ang isinagawang pagdinig ng senado at mababang kapulungan ng kongreso nitong linggo hingil sa engkwentro na ikinasawi ng 44 na PNP-SAF trooper noong Enero 25 sa Mamasapano Maguindanao. Sumalang sa imbestigasyon ang mga personalidad na may kinalaman sa nangyaring encounter. Layon nito na lumabas ang katotohanan, mabigyan ng hustisya ang mga biktima at mapanagot ang dapat managot. Subalit tila may pinagtatakpan ang ilang heneral na may kinalaman sa mapait na […]

Diskusyon- “Buong Pwersa ng PNP, Nakaalerto Ngayong Holiday”

Ang Holiday Season ang isa sa pinaka-inaabangang panahon nating mga Pilipino. Panahon ito para mamasyal o maglibang ang mga pamilya, kaya naman sinasamantala din ito ng mga masasamang loob. Ano nga ba ang mga paghahandang ginagawa ng Philippine National Police upang labanan ang mga ito. Maaasahan din natin ang Bureau of Fire and Protection para naman magbigay tulong sakaling magkasunog. Na madalas ngang mangyari dahil na rin sa paggamit ng ating mga kababayan ng paputok […]