Provincial News

758 drug personality, boluntaryong sumuko sa awtoridad sa Barobo, Surigao del Sur

BAROBO, Surigao del Sur (Eagle News) – Umabot na sa mahigit 758 drug personality ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa Barobo, Surigao del Sur. Ito ay batay sa Datus ng PNP-Barobo mula lamang Hulyo hanggang Nobyembre ngayong taon. Walo sa nasabing sumukong personalidad ang nahuli pa ring gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga habang isa naman ang nasawi sa mga isinagawang operasyon. Kaugnay nito, inilunsad din ng awtoridad sa lugar ang Oplan Taphang o […]

Seguridad sa lalawigan ng Urdaneta mas pina-igting

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Ipinaliwanag ni Police Superintendent Marceliano Desamito, Jr., Hepe ng Urdaneta City PNP ang isinasagawa nilang pagpapatupad ngayon ng security measures sa lungsod. Ayon sa kaniya, tinitiyak lamang ng kanilang departamento na mapanatiling mapayapa ang buong lungsod sa pagtutulungan ng police personnel, mga on-the-job training mula sa iba’t ibang colleges sa buong lungsod, at mga reservist . Dagdag pa niya, dagsa ngayon ang mga tao sa lungsod lalo na at holiday season. Maaari aniyang […]

Apat sugatan sa nangyaring pagsabog sa Freedom Park sa Iligan City

ILIGAN CITY (Eagle News) – Sugatan ang apat katao sa nangyaring pagsabog ng bomba sa harap ng Western Union at gilid ng Freedom Park noong Miyerkules, December 7, bandang 7:00 ng gabi. Ang pinangyarihan ay malapit lamang sa Police Station ng Barangay Poblacion, Iligan City. Ang mga biktima ay agad na isinugod sa Dr. Uy Hospital, Poblacion, Iligan City na nakilalang sina: Laureto Carabantes, Jr. – 26 taong gulang, empleyado sa Art Destura Printing, taga-Purok 5, […]

Kalinga patuloy na nakakaranas ng mga pag-ulan; PDRRMO nagbabala sa posibleng landslide

KALINGA (Eagle News) – Nagbabala ang Kalinga Provincial Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa posibleng pagguho ng lupa o landslide dahil sa tuluy-tuloy na mga pag-ulan. Kasalukuyang minomonitor ang mga bayan na prone sa landslide tulad ng sumusunod: Lubuagan Tinglayan Pasil Pinukpuk Balbalan (Upper Kalinga) Naka-close monitoring din ang DPWH Kalinga sa mga daan lalo na sa Tabuk-Bontoc Road na kadalasang hindi madaanan kapag ganitong may mga pag-ulan dahil sa pagguho ng lupa. Ayon kay PDRRMO […]

Suspension Order para sa Mayor ng Mulanay Quezon, isinilbi ng mga opisyales ng DILG Quezon

MULANAY, Quezon (Eagle News) – Tatlong buwang suspendido bilang Mayor ng Mulanay Quezon si Joselito “Tito” Ojeda matapos mapatunayan sa salang simple misconduct  ng Office of the Ombudsman. Ang suspension order ay isinilbi ni Lionel L. Dalope, Provincial Director ng Department of Interior and Local Government (DILG) Quezon. Nag-ugat ang nasabing suspension matapos mapatunayan na si Ojeda ay nag-hire ng isang Private Lawyer bilang Legal Officer sa kanilang Munisipyo. Ang nabanggit na abogado ay si Attorney […]

Dalawang backhoe sinunog ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Zamboanga del Sur

DUMINGAG, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Sinunog ng mga hindi pa nakikilalang grupo ang dalawang backhoe na pagmamay-ari ng Bise Alkalde at lokal na Pamahalaan ng Dumingag, Zamboanga del Sur. Sa ulat ng Zamboanga del Sur Police Provincial Office (ZSPPO), nangyari ang insidente sa bulubunduking kalsada ng Purok 3, Barangay Tamurayan, Dumingag, Zamboanga del Sur. Bago ang pangyayari ay may nakita aniya ang mga residente na limang lalaki na tumambay sa isang maliit na kubo malapit […]

Shellfish ban, ipinatupad sa ilang bahagi ng Visayas

(Eagle News) — Nagpatupad ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng shellfish ban sa ilang bahagi ng Visayas, matapos itong mag-positibo sa presensya ng paralytic shellfish poison. Sa pinakahuling shellfish bulletin ng BFAR kahapon, tinukoy nila ang mga lugar na nagpositibo sa paralytic shellfish poison at ito ay ang mga sumusunod: – Irong-Irong at Cambatutay Bays sa Western Samar; – Matarinao Bay sa Eastern Samar; – Baybayin ng Leyte; – Baybayin ng Calubian […]

Iba’t-ibang kasuotan mula sa rehiyon ng BIMP-EAGA makikita sa Palawan Heritage Center

PALAWAN (Eagle News) – Makukulay at kaaya-ayang mga kasuotan mula sa mga bansang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia at Pilipinas ang makikita ngayon sa Palawan Heritage Center sa Capitol Grounds. Ito ay matapos ilunsad kamakailan ang “BUDAYAW”- An exhibit of Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia, Philippines-East Asean Growth Area (BIMP-EAGA) Textiles. Ayon kay Gng. Mary Rose Caabay, tagapangasiwa ng Palawan Heritage Center, ito ay mga koleksyon ng kasuotan mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa […]

Groundbreaking at time capsule-laying ceremony sa bagong Rehab Center sa Davao, isinagawa

DAVAO CITY (Eagfle News) – Isinagawa ang groundbreaking at time capsule-laying ceremony ng bagong Drug Rehabilitation Facility sa Malagos Village, Calinan, Davao noong Martes, December 6. Ang 1.9-hectare Treatment and Rehabilitation Center for Drug Dependents (TRCDD) ay may total budget na P200 million pesos. Makakapag-accommodate ito ng hanggang 224 katao at inaasahang matatapos sa Disyembre sa susunod na taon. Ang bagong rehab center ay pinondohan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa pakikipagtulungan ng Travellers International Hotel Group […]

500 pamilya at mahigit 100 drug surrenderees sa Oriental Mindoro tumanggap ng gamit pansaka

GLORIA, Oriental Mindoro (Eagle News) – Limang daang pamilya at mahigit isandaang drug surenderees ang tumanggap ng mga gamit para sa pagsasaka. Ito ay sa ilalim ng programa ng  National Anti-Poverty Comission na Community Production (NAPC). Ang programa ay may temang “Pagkain ni Boss” na kung saan ang mga benepisaryo ay nabilalang sa pamilyang nakararanas ng kahirapan at may malnourished na mga anak. Layunin ng programa na makapagtanim ng gulay na nasa kantang ‘Bahay Kubo.’ Makapag-alaga din ng […]

Blood Letting Program pinangunahan ng kapulisan

  TAGUIG, Metro Manila (Eagle News) – Nagsagawa ng Blood Letting Program sa SAF Covered Court, Camp. Bagong Diwa, Bicutan, Taguig, noong Martes, Disyembre 6,sa ganap na alas 8 ng umaga.  Nakipagkaisa sa nasabing aktibidad ang mga pulis ng Taguig at Parañaque. Ang mga naipon na dugo ay mapupunta sa UP-Manila-PGH na naglunsad ng nasabing programa. Ang aktibidad ay may temang “Lets make love by giving blood this holiday”. Em dela Cruz – EBC Correspondent, […]

Libo-libong Lumad dumagsa sa Davao City para sa serbisyo-medikal

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot na sa 2,874 ang pamilya ng Lumad o nasa 5000 indibidwal ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan sa pitong shelters sa Davao City. Nag-umpisa na ring ipaabot ng Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) ang kanilang serbisyo sa dumating na unang bugso ng mga bisitang Lumad noong nakaraang linggo. Ayon kay CSSDO Chief Malou Bermudo, ang unang grupong dumating ay may 1,255 na bata, 47 ang buntis, 5 […]