Provincial News

Sampling at testing sa ibinebentang iodized salt isinagawa ng RBATF sa Bislig City

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng sampling at testing ang Regional Bantay Asin Task Force (RBATF) ng Bislig City sa mga ibinebentang iodized salt sa Mercado kamakailan. Pinangunahan ito ng Regional at City Nutrition Council. Ayon sa isinasaad ng RA 8172 o asin law, ikinakampanya ang paggamit ng iodized salt sa buong bansa. Nakapagbibigay aniya ito ng malaking kontribusyon upang maiwasan ang Iodine Deficiency Disorder (IDD ). Nakapaloob din sa 10 commandments ng […]

Relocation projects mas pinalakas ngayon sa Davao City

DAVAO CITY (Eagle News) – Mas pinalakas ngayon ng Local Government ang development ng maraming relocation projects sa pamamagitan ng Davao City Comprehensive Land Use Plan. Ito ay dahil sa dumaraming bilang ng informal settlers. Nakasaad sa nasabing MOA na kailangang gawin ang mas maraming housing units upang maisaayos ang kondisyon ng mga maralita at homeless sa pamamagitan ng mura at maayos na pabahay. Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao City

“Panata sa Karapatang Pantao” isinagawa sa Camp Panacan, Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Nakipag-kaisa ang Eastern Mindanao Command (EMC) sa commemoration ng Human Rights Consciousness Week 2016 sa pamamagitan ng recitation ng “Panata sa Karapatang Pantao” ng lahat ng military personnel ng EMC at Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) na isinagawa sa Naval Station Felix Apolinario, Camp Panacan, noong Lunes ng umaga, December 5. Pinangunahan ito ni Colonel Gilbert I. Gapay, bagong Deputy Commander at Chief ng Human Rights Office ng EMC. Pinalitan ni Gapay […]

Mayor Sara Duterte maayos na ang pagbubuntis

DAVAO CITY (Eagle News) – Maayos na ang pagbubuntis ni Davao City Mayor Sara Duterte, ito mismo ang kaniyang ipinahayag sa isang interview. Ayon sa alkalde, umiinom siya ng mga gamot para sa komplikasyon ng kaniyang pagbubuntis. Matatandaan na matapos ang Roxas night market bombing noong Setyembre sa Davao, ipinahayag ni Mayor Sara na namatay ang dalawa sa tatlong bata na ipinagbubuntis niya. Pinayuhan din siya ng kaniyang mga doktor na magpahinga muna. Ilang araw lamang […]

Miss United Continents 2016 winner Jeslyn Santos nakipagkita kay Pangulong Duterte

DAVAO CITY (Eagle News) – Nakipagkita si “Miss Continentes Unidos” – Filipina Winner Jeslyn Santos kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Matina Enclaves, Davao City noong Sabado, December 3. Si Santos ang kauna-unahan at nag-iisang Asian na nagwagi sa Miss Asia Pacific International 2016 na ginanap sa Equador nitong September 2016. Kasama din ni Santos ang ilan pang nagwagi sa nasabing patimpalak. Naroon din si Governor Chavit Singson bilang sponsor at chief financier sa nalalapit na Miss Universe Pageant sa […]

Senior Citizens Appreciation Day sa Gen. Nakar, Quezon pinangunahan ng INC

GEN. NAKAR, Quezon (Eagle News) – Pagmamahal sa mga nakatatanda at pagtanaw ng utang naloob ang damdaming nag-uudyok sa mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa pagsagawa ng “Senior Citizens Appreciation Day” kamakailan. Isinagawa nila ito sa Bayan ng Gen. Nakar, Quezon sa pangunguna  ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North. Sa nasabing aktibidad ay makikita ang kasiyahan ng mga senior citizen. Tuwang tuwa sila sa mga programa na inihandog sa kanila, tulad ng; Libreng […]

Blood letting activity sa San Nicolas, Pangasinan pinangunahan ng mga guro

SAN NICOLAS, Pangasinan (Eagle News) – Pinangunahan ng mga guro ang isinagawang blood letting activity sa San Nicolas West Elementary School, San Nicolas, Pangasinan nitong Biyernes, December 2. Ayon kay Ginoong Rudolf Tan, District Nurse, ang blood letting na ito ay hindi lamang sa San Nicolas isinagawa kundi may isang grupo din aniya sa Pozorrubio, Pangasinan. Dalawang beses aniya nila ginagawa ang blood letting sa isang taon para mapunuan ang kakulangan at pangangailangan ng dugo. Dagdag […]

12 establisimyento, PNP sub-station nasunog sa Oriental Mindoro

ROXAS, Oriental Mindoro (Eagle News) – Nasunog ang 12 establisimyento at nadamay pa ang isang  sub-station ng Philippine National Police sa Morente Ave., Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro. Nagsimula ang nasabing sunog bandang alas 2:30 na madaling araw nitong Biyernes, Disyembre 2. Ayon kay FO3 Querube G. Peradilla ng Bureau of Fire Protection, umabot sa ika-apat na alarma ang nasabing sunog. Kaya kinailangan pa ang tulong ng mga pamatay sunog mula sa Mansalay, Bongabong at Bansud na mga kalapit bayan […]

Fun Cycle Activity, isinagawa sa Balungao, Pangasinan

BALUNGAO, Pangasinan (Eagle News) – Masayang isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang “Fun Cycle Activity” sa Balungao, Pangasinan. Pinangunahan ito ni Bro. Nelson H. Mañebog, District Minister ng Pangasinan East. Maaga pa lamang ay nagtipon na ang mga kalahok sa gusaling sambahan ng INC sa Balungao na siyang starting point ng nasabing aktibidad. Sakay ng kani-kaniyang mountain bike, masayang tinungo nila ang Balungao Hot and Cold Spring Resort. Tinatayang may limang kilometrong layo mula […]

Magsasaka at mangingisda nakatanggap ng tulong mula sa City Government ng Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Libu-libong magsasaka at mangingisda na apektado ng El Niño phenomenon ang nakatanggap na tulong mula sa lokal na pamahalaan ng Davao City. Ayon kay Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) Head Maria Luisa T. Bermudo, nasa 37,000 na magsasaka at 927 mangingisda ang apektado ng tagtuyot na tumama sa lungsod sa taong ito. Ang nasabing pamamahagi ng tulong na bigas at mga de-lata ay nagsimula kalagitnaan ng Nobyembre. Matatandaan na napakalaking […]

Baha nararanasan sa Real, Quezon dulot ng biglang pagbuhos ng ulan

REAL, Quezon (Eagle News) – Nakaranas ng pagbaha ang lalawigan Real, Quezon bunga ng halos tatlong oras na walang tigil na pag-ulan. Tumaas ang tubig nang halos isang talampakan sa Real – Famy National Hi-way. Bahagyang nakaantala ng daloy ng mga sasakyan dahil sa pag-apaw ng mga kanal at kung magtutuloy-tuloy ang pag ulan ay maaring tumaas pa ang tubig baha. Rechelle Valle – EBC Correspondent, Real Quezon

Mga batang lansangan sa Roxas City, Capiz nakatanggap ng tig 2,000 piso mula sa Lokal ng Pamahalaan 

ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Mga batang lansangan sa Roxas City nakatanggap ng Php 2,000 mula sa Lokal ng Pamahalaan ng siyudad sa ilalim ng Educational Assistance Program ng City Social and Welfare Development Office. Layunin ng ganitong programa ng lokal na Pamahalaan na mabigyang pansin at matulungan ang pangangailangan ng mga batang lansangan. Ang ilan sa mga bata ay naghahanapbuhay para lamang makapag-aral. Nakatanggap ng tig Php 2,000.00 ang 50 benepisiyaryo ng nasabing […]