Provincial News

205 na ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng Davao City

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot sa 205 katao ang nahuli sa unang araw ng anti-jaywalking ordinance ng City Transport Management Office (CTTMO) nitong huwebes, December 1  sa Davao City. Ayon kay CTTMO Executive Service Officer Charlotte Parba, may parehong bilang ng lalake at babae ang kanilang nahuli. Karamihan aniya sa kanilang nahuli ay mga empleyado at estudyante. Mayroon din umanong foreign nationals na galing Pakistan, Japan, China, Denmark, at India ang dinala sa kanilang tanggapan. […]

PNP Carmen, Surigao del Sur patuloy sa pagsasagawa ng Barangay visitation

CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Patuloy na isinasagawa ng mga kapulisan sa Bayan ng Carmen, Surigao del Sur ang kanilang barangay visitation. Ito ay may kaugnayan pa rin sa ikinakampanya kontra iligal na droga. Binisita nila ang Barangay Puyat at naabutan nila ang mga senior citizen na katatapos lamang mag-meeting. Sinamantala naman ng kapulisan ang pagkakataon upang ipinaliwanag ang tinatawag nilang magic box na kung saan ay ilalagay sa nasabing kahon ang mga pangalan […]

Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center sa Nueva Ecija pinasinayaan ni Pangulong Duterte

PALAYAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang inagurasyon ng Phase 1 ng Mega Drug Abuse Treatment and Rehabilitation Center (DATRC) sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija kamakailan. May kabuuan itong 10,000 bed capacity kasama na dito ang Phase 1 na may 2,500 bed capacity. Ang pagpapatayo nito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Task Force na pinangunahan ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ang Task Force ay inatasan […]

Voluntary blood donation activity isinagawa sa Pampanga

SAN FERNANDO, Pampanga (Eagle News) – Nagsagawa ng voluntary blood donation activity ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at government employees ng Pampanga. Isinagawa ito sa Benigno Hall, Capitol Compound, City of San Fernando Pampanga nitong Huwebes, December 1, 2016. May tema itong “DAYA CU, SAWUP CU”, Ing pecamasanting a regalung apagcalub cu careng capampangan. Sa tagalog  ay ” Dugo Ko, Tulong Ko”, Ang pinakamagandang regalo […]

Tree Planting sa Mulanay Quezon, nilahukan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo

MULANAY, Quezon (Eagle News) – Pinangunahan ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo partikular na ang mga kaanib ng kapisanang SCAN International ang isinagawang tree planting activity. Isinagawa ito sa Sitio Malibago, Barangay Cambuga, Mulanay, Quezon. Bago nila isinagawa ang aktibidad ay nagtipon muna sa Malibago Elementary School upang tanggapin ang ilang mga bilin kung ano ang tamang paraan ng pagtatanim ng seedlings. Ang briefing ay pinangunahan nina Mr. Oliver O. Olivo, Community Environment and Natural […]

Coastal Clean Up Drive sa Puerto Princesa isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Maaga pa lamang noong Miyerkules, November 30, 2016 ay nagtungo na ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa isang barangay ng Puerto Princesa, Palawan upang isagawa ang Coastal clean up drive. Ayon kay Bro. Marlon Marcelo, Ministro ng ebanghelyo, isinasagawa nila ang ganitong aktibidad upang panatilihin ang kalinisan at kaayusan ng coastal area. Pakikipagkaisa din aniya nila ito sa pananawagan ng Pamamahala ng INC na ipagmalasakit ang kapakanan ng […]

Iglesia Ni Cristo nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag para sa mga katutubong Aeta

TAYABAS CITY, Quezon (Eagle News) – Labis ang katuwaan ng mahigit kumulang 500 na mga kababayang nating Aeta ng magsagawa ang Iglesia ni Cristo ng Lingap-Pamamahayag sa kanilang lugar sa Brgy. Tungko, Tayabas, City. Pinagkalooban sila ng INC ng pangunahing pangangailangan nila sa araw-araw tulad ng bigas, delata instant food, damit at mga pansariling gamit. Pinangunahan ito ng mga Church Worker na sakop ng Lucena City. Sa kasalukuyan ay patuloy pang pinalalawak at pinaiigting ang proyekto […]

“Odd-even scheme,” ipatutupad sa Lucena City

LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) – Inilatag ni Lucena City Mayor Roderick Alcala ang solusyon sa problemang trapiko sa kanilang lungsod. Nagpatawag na sa nakaraan ng pagpupulong ang alkade sa mga pangulo ng mga TODA upang pag-usapan ang problema sa trapiko. Tinatayang nasa 6,000 tricycle drivers ang namamasada sa buong Lucena City. Kalahati dito ay mga kolorum. Ayon sa napagkasunduan, bibigyan aniya ng prayoridad na pagkalooban ng prangkisa ang mga lehitimong Lucenahin. Para matuldukan na rin ang problema sa […]

CBI Fun Day matagumpay na naisagawa

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ng mga miyembro ng Christian Brotherhood International ang CBI Fun Day. Isinagawa ito sa covered court ng Urdaneta City National High School, Urdaneta City, Pangasinan noong Miyerkules, November 30, 2016. Ang Christian Brotherhood International (CBI) ay isang organisasyon ng mga estudyanteng Iglesia Ni Cristo na nasa High School at College. Naitatag ito noong taong 1976. Layunin ng aktibidad na lalo pang mapasigla ang mga estudyante ng […]

National Reading Month Celebration nilahukan ng DepEd Bislig City

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinatunayan ng mga selected students ng Mangagoy East Elementary School sa Bislig City, Surigao del Sur na hindi pa rin nila isinasantabi ang pagbabasa ng mga aklat. Ito ay sa kabila ng mga makabagong gadgets sa kasalukuyan. Araw-araw ay iba’t ibang pampublikong paaralan ang bumibisita sa Division Library Hub ng DepEd-Bislig City. Ito ang maituturing na pinakamalaking Library Hub sa buong CARAGA Region na may E-library Conference Room Shelving […]

Drug awareness seminar isinagawa sa 16 na Barangay ng Angat, Bulacan

ANGAT, Bulacan (Eagle News) – Nilibot ni Angat Mayor Narding de Leon ang mga Barangay na kaniyang nasasakupan. Layunin nito ay upang makausap ang mga residente at paaalahanan sa masamang maidudulot ng ilegal na droga sa kanilang buhay at kalusugan. Hinikayat din ng alkalde ang kaniyang mga kababayan na huwag subukan ang droga. Ang mga sumuko naman na gumagamit at nagbebenta nito ay dapat ng tumigil sa masamang gawaing ito. Ayon naman sa Hepe ng PNP ng nasabing bayan […]

Modernong pasyalan at palaruan sa Tacloban pormal na binuksan

TACLOBAN, Leyte (Eagle News) – Pormal ng binuksan sa publiko ang modernong pasyalan at palaruan para sa mga mamamayan partikular na sa mga kabataan na may traumatikong karanasan at alaala dulot ng Super Typhoon Yolanda. Layunin nitong  malunasan ang malungkot na nakaraan at magkaroon ng uli na panibagong alaala. Sa loob lamang ng pitong buwan ay natapos ang nasabing proyekto kasama na ang pagplano sa Tacloban Astrodome Playground. Pinondohan ito ng World Vision katuwang ang Lokal na […]