Provincial News

Pangkabuhayan Project para sa mga drug surrenderees, sinimulan na

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Sinimulan na ang bagong programa ng Provincial Public Safety Company (PPSC) na tinatawag nilang “PPSC Pangkabuhayan Project” bilang pagtulong sa mga reformist o drug surrenderees. Ngayong araw ng Lunes, November 21 ay sinimulan ng linisin ng mga reformist ang bakanteng lupa ng PPSC upang pagtaniman ng iba’t-ibang klase ng gulay. Bukod sa dagdag na pagkakakitaan, magiging abala rin ang kanilang kaisipan at mafo-focus ito sa lalong ikasusulong sa kanilang ganap na pagbabago. Sa mga […]

Clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Tandag City Boulevard

TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Hindi nahadlangan ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo na isagawa ang clean up drive kahit pa nagbabadya ang masamang panahon. Maaga pa lamang (6:00 am) nitong sabado, November 19, 2016 ay nagtipon-tipon na sila sa Boulevard, Tandag City, Surigao del Sur upang pagtulung-tulungan itong linisin.  Inalis nila ang mga nagkalat na basura at binunot naman ang mga nagtataasang damo. Masaya naman ang mga sumama sa nasabing aktibidad […]

Menor de edad patay ng mahulog sa sinasakyang jeep

LOOC, Romblon (Eagle News) – Patay ang isang menor de edad matapos itong mahulog sa sinasakyang jeep noong Linggo, November 20 sa Sitio Aliwanyag, Barangay Guinhayaan, Looc, Romblon. Kinilala ang biktima na si Carolina Corfel Ignacio, 15 taong gulang, estudyante, at residente ng Barangay Guinhayaan, Santa Fe, Romblon. Sa imbestigasyon ng Looc MPS, binabaybay diumano ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Gregorio Goco, 33 taong gulang, ang Provincial road ng mangyari ang nasabing insidente. Ayon sa salaysay ng […]

Seal of Good Local Governance muling nakamit ng Palawan

PALAWAN (Eagle News) – Muling pinarangalan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan dahil sa mabuting pamamahala nito. Personal na tinanggap ni Governor Jose Ch. Alvarez ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula kay DILG Secretary Ismael Sueno kamakailan sa Sofitel Philippine Plaza, Manila. Sa dalawang magkasunod na taon (2015 at 2016) ay natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ang nasabing award. Ipinagkakaloob ito ng DILG sa mga Lokal […]

Child abuse cases tututukan sa pagbabalik ni Pangulong Duterte

DAVAO CITY (Eagle News) – Naalarma si Pangulong Rodrigo Duterte sa tumataas na bilang ng kasong child abuse sa buong Bansa. Sa pahayag ng Pangulo bago ito umalis patungong Lima, Peru ay kaniyang tiniyak na sa pagbabalik niya ay tututukan ang mga kasong may kinalaman sa pang-aabuso, pananakit at pagpatay sa mga bata at maging sa mga kababaihan. Sinabi rin ng Pangulo na kaniyang kakausapin ang DSWD ukol dito. Ayon pa sa Pangulo, marami sa mga biktima ay menor […]

Japanese City ibinilang ang Davao bilang modelo ng Green Growth sa Pilipinas

DAVAO CITY (Eagle News) – Pumirma sa isang kasunduan si Davao City Mayor Inday Sara Duterte at si Mayor Kenji Kitahashi ng Japanese City of Kitakyushu para sa isang Environmental Agreement. Ang nasabing Strategic Environmental Partnership Agreement ay kanilang pinirmahan sa Conference Hall ng City Hall, Davao kamakailan. Layunin nito na mabuo ng isang proyekto sa Davao na gawin ang lungsod bilang isang modelo para sa “Intercity Cooperation sa Pilipinas”. Ang partnership agreement ay nagpapahintulot na matuto mula […]

Munisipyo ng San Vicente, Palawan tinanghal na Regional Green Banner Awardee

SAN VICENTE, Palawan (Eagle news) – Tinanghal ang Munisipyo ng San Vicente bilang 2016 Regional Nutrition Green Banner Awardee sa buong Rehiyon ng MIMAROPA. Ito ay matapos na makapagtala ng 1st Top Low Malnutrition Prevalence Rate (MPR) sa buong isang taon. Nangangahulugan ito na ang San Vicente ang may pinakamababang naitala ng malnutrisyon sa buong lalawigan ayon sa datos ng Provincial Nutrition Action Office (PNAO). Ang naturang pagkilala ay iginawad noong November 8 sa The Heritage […]

24th National Children’s Month sa Surigao del Sur pinangunahan ng PNP

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa Surigao Del Sur ay binisita ng kapulisan ang mga Pampublikong Paaralan na kanilang nasasakupan kaugnay sa pagdiriwang ng “24th National Children’s Month”. Ito ay may temang “Isulong Kalidad na Edukasyon para sa lahat ng Bata”. Nakipagdaialogo din ang kapulisan sa mga estudyante, guro at maging mga staff ng mga Pampublikong Paaralan. Dito ay tinalakay nila at ipinaalam ang mga karapatang pantao ng bawat bata, tulad ng anti- […]

Isinagawa ng DTI Bataan ang Bottom Up Budgeting Assembly at turn-over ng tseke

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isinagawa ng Department of Trade and Industry (DTI) Bataan ang Bottom Up Budgeting Assembly (BUB) sa Plaza Hotel, Balanga City noong martes, November 15, 2016. Kasabay din nito ang ginawang pag-turn-over ng tseke sa mga Munisipyo na may DTI BUB Projects. Kabilang ang mga Bayan ng; Hermosa Limay Bagac Morong Pilar Bawat isa sa kanila ay naglatag ng accomplishments batay sa nakasaad sa kanilang work plan. Ang Bayan ng Mariveles at Pilar LGU’s […]

Iba’t ibang produkto na gawa sa bao ng niyog lalong pinaunlad ng mga taga-Panukulan, Quezon

PANUKULAN, Quezon (Eagle News) – Ang isa sa malaking pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga mamamayan sa lalawigan ng Quezon ay ang produkto na mula sa niyog. Taon-taon tuwing sasapit ang buwan ng Agosto ay nagsasagawa ang lalawigan ng selebrasyon patungkol dito na pinangungunahan ng Provincial Government. Kalahok sa nasabing selebrasyon ang lahat ng Bayan sa Quezon upang ipakita, ipakilala at ipagbili ang ipinagmamalaki nilang mga produkto na mula sa niyog at ang mga gawa galing dito. […]

Intensified Tokhang isinagawa ng Cateel PNP

CATEEL, Davao Oriental (Eagle News) – Walang pinalalampas ang mga kapulisan ng Cateel Police Station sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga. Bawat Barangay, Paaralan, maging mga Pampublikong lugar sa Cateel, Davao Oriental ay matiyagang sinusuyod ng mga awtoridad upang maipaalam sa publiko (bata o matanda) ang kanilang seryosong kampanya laban sa iligal na droga. Nasa mahigit 400 na Grade 9 students ng Cateel Vocational High School ang kanilang na-seminar tungkol sa ipinagbabawal na gamot. Binigyang […]