PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Tuloy-tuloy ang programa ng Detect TB sa paghahanap ng mga bagong kaso na may kaugnayan sa tuberculosis sa Palawan. Ayon kay Doctor Janet Reston, Detect TB Project Coordinator, mula sa World Health Organization, tumaataas ang bilang ng mga nadidiskubre na may sakit na tuberculosis sa buong Palawan. Ito ay magandang sensyales na nagiging matagumpay ang pagsisikap ng naturang programa upang makahanap at magamot ang mga taong may sakit ng TB. Ang […]
Provincial News
Drug Avoidance and Resistance Education at Drug Symposium isinagawa ng kapulisan sa Capiz
DUMARAO, Capiz (Eagle News) – Pinangunahan ng Dumarao Municipal Police Station ay isinagawang Drug Avoidance and Resistance Education (DARE) at Drug Symposium sa Estefania Montemayor National High School, Dumarao, Capiz. Tinalakay sa nasabing aktibidad ang sumusunod; Karapatan at kaligtasan ng mga Kabataan Drug Prevention and Control Anti Bullying Act Iba pang child related legal matters Namahagi rin ang Dumarao Municipal Station ng leaflets at flyers tungkol sa crime prevention tips at anti-illegal drugs. Ang aktibidad ay […]
Mayor Leila Arbolida ng Looc, Romblon pinawalang-sala sa kasong graft
LOOC, Romblon (Eagle News) – Sa inilabas na desisyon ng Sandiganbayan third division nitong November 09 2016 ay pinawalang-sala si Mayor Leila Arbolida ng Looc, Romblon at ang kasama niya. Ito ay kaugnay sa graft case na isinampa laban sa kaniya ng mga Barangay Official (kagawad) ng Poblacion Looc kabilang na si Vice Mayor Gadaoni at Juliet NGO taong 2000 dahil aniya sa maanomalyang P20 million expansion ng Looc Water Supply System. Si Mayor Arbolida at […]
Zumba Dance inilunsad ng Dumarao PNPsa mga surrenderees ng Oplan Tokhang
DUMARAO, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng PNP Anti-Drug Campaign Plan: Project Double Barrel ay nagsagawa ang Dumarao PNP ng Zumba Dance na kalahok ang mga surrenderees ng Oplan Tokhang. Layunin ng aktibidad na suportahan ang kampanya laban sa iligal na droga. Nais din nilang hikayatin ang mga surrenderees na ingatan ang kalusugan sa pamamagitan ng pag eehersisyo at paglayo sa ipinagbabawal na gamot. Buong kasiglahan namang nakipagkaisa ang mga surrenderees sa nasabing aktibidad napinangunahan ng […]
SB member sa Magsingal, Ilocos Sur, patay sa pamamaril
MAGSINGAL, Ilocos Sur (Eagle News) – Patay sa pamamaril ang isang miyembro ng Sanguniang Bayan sa Nagsingal, Ilocos Sur. Nakilala ang biktima na si Freedy Arquero Rita, 55 taong gulang, residente ng Barangay San Lucas, Magsingal, Ilocos Sur. Ayon sa imbestigasyon, naganap ang nasabing pamamaril sa National Highway, San Basilio, Magsingal, Ilocos Sur noong linggo ng umaga, November 13, 2016. Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima. Agad itong […]
Puerto Princesa City, nakiisa sa Child Development Month Celebration
PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Ginugunita ngayong buwan ng Nobyembre ang Child Development Month. Kung saan nakiisa sa selebrasyong ito ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa City, Palawan. Nagsagawa sila ng iba’t ibang aktibidad tulad ng parade sa palibot ng Puerto Princesa City Coliseum na nilahukan ng mga kindergarten student mula sa iba’t ibang paaralan ng lungsod. Nagsimula ang naturang parade bandang 8:00 ng umaga kasama ang kanilang mga magulang at mga guro. Naghanda rin […]
23 brand new handtractors ipinamahagi sa mga magsasaka sa Ramon, Isabela
RAMON, Isabela (Eagle News) – Tuwang-tuwa ang mga magsasaka na nabiyayaan ng bagong handtractors mula sa Bottoms Up Budgeting Fund na ipinamahagi ng Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Ramon, Isabela. Isinagawa ang awarding sa mga recipient ng handtractors sa mismong Flag Ceremony na pinangunahan ni Mayor Jesus D. Laddaran, Vice Mayor Melvin G. Cristobal at ilang mga kagawad at mga kapitan ng 19 Barangays. Ayon kay Vice Mayor Cristobal, dumaan sa masusing deliberasyon ang pagpili sa […]
INCares isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte
SAN ISIDRO, Leyte (Eagle News) — Upang maidama ang pagmamalasakit at pagmamahal sa mga residente ng Brgy. Bunacan, San Isidro, Leyte ay sinikap ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo na marating ito. Sa pangunguna ni Bro. Herbert Puedan, ministro ng ebanghelyo at ng mga opisyales ng Christian Family Organization (CFO) ng INC ay nagsagawa sila ng isang aktibidad na tinatawag nilang INCares. Namahagi sila ng mga school supplies katulad ng mga sumusunod: Papel Notebook […]
Clean up drive isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International sa coastal area ng Butuan City
BUTUAN CITY, Agusan del Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng clean up drive ang Society Of Communicators and Networkers o mas kilala sa tawag na SCAN International, isa sa kapisanan sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ito ay isinagawa sa coastal area ng Masao, Butuan City Agusan Del Norte noong Biyernes, November 11, bandang 8:00 ng umaga ng sinimulan nila ang paglilinis. Masigla at masayang makipagkaisa ang mga miyembro ng kapisanang SCAN sa nasabing aktibidad. Nasa […]
Tatlumpung araw na trabaho inialok sa mga residente ng Daliao, Toril, Davao City
TORIL, Davao City (Eagle News) – Dinagsa ang Daliao Gym, Daliao, Toril, Davao City ng mga gustong magkatrabaho kahit na pansamantala lamang. Sa dami ng tao ay aakalain mong may job fair sa nasabing lugar. Pero ito ay isang proyekto na tinatawag na TUPAD (Tulong Pangkabuhayan for Disadvantage Workers) na inilunsad ni Davao City 3rd District Congressman Albert Ungab sa pakikipagtulungan naman ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang nasabing programa ay naglalayon na mabigyan […]
210 na mga benepisyaryo ng SLP ng DSWD, nakatanggap ng Php 8,000.00 bawat isa
ROXAS CITY, Capiz (Eagle News) – Nakatanggap ng tig Php 8,000.00 ang may 210 na mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ng Capiz. Ipinamahagi ito sa Roxas City Hall Grounds. Ang mga benepisyaryo ng programa ay nagmula sa Brgy. Libas, Roxas City na ang karamihan sa mga ito ay mga mangingisda. Ang walong libong pisong ipinagkaloob ay makatutulong sa pagpapatayo o pagpapagawa ng mga Marine Products […]
Calaguas Island kabilang sa nominado sa ‘Choose Philippines Awards for Best Destination’ category
VINZONS, Camarines Norte (Eagle News) – Muli na namang mapapalaban ang Camarines Norte sa usapin ng turismo sa bansa. Dahil kabilang ang Calaguas Island ng Vinzons, Camarines Norte sa limang nominado sa Choose Philippines Awards for Best Destination category sa sub-category na Island and Beaches. Katunggali ng Calaguas Island sa nasabing award ang mga tanyag na dinadayo ng mga turista, tulad ng Boracay Island ng Aklan, El Nido ng Palawan, Bantayan Island ng Cebu at Caramoan […]