Provincial News

‘Barangay Ugnayan’ ng BFP patuloy na isinasagawa sa Tayug, Pangasinan

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – “Prevention is better than cure”, ito ang mga binitiwang pahayag ni Senior Fire Officer Rommel Bassig ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Tayug sa kanilang isinasagawang pagpunta sa bawat Barangay sa Bayan ng Tayug, Pangasinan para sa kanilang proyektong Barangay Ugnayan. Ang Barangay Ugnayan ay ang pagtuturo ng Bureau of Fire Protection office sa mga residente kung ano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad o sakuna tulad ng bagyo na kung saan […]

PWDs sumailalim sa ‘Training and Seminar for Wheelchair and Crutches Repair and Maintenance’

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Naglunsad ng Training and Seminar for Wheelchair and Crutches Repair and Maintenance ang Persons with Disability Affair Office (PDAO). Pinamunuan ito ni PDAO Focal Person Angelyn Dadaeg, executive assistant on Social Services ng Municipal Social Welfare Development ( MSWD-PALAWAN ). Ang proyektong ito ng PDAO ay nasa ilalim ng Local Government Unit ng Municipal Office sa Bayan ng Roxas. Layunin ng nasabing proyekto na maturuan ang participants na matutuhan nila ang pagkukumpuni […]

Team Building at Tree Planting Activity sa Capiz pinangunahan ng PIA at CAGPIO

TAPAZ, Capiz (Eagle News) – Nagsagawa ng Team Building at Tree Planting Activity ang Public Information Agency (PIA) Capiz at Capiz Association of Government Public Information Officers (CAGPIO) kasama ng Tapaz Municipal Police Station. Isinagawa ang nasabing aktibidad sa 61st Infantry Battalion, Philippine Army, Lagdungan, Tapaz, Capiz. Sinimulan ang aktibidad ng tree planting activity sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga coconut seedlings. Pakatapos ng pagtanim ay agad na isinunod ang team building activity. Nilahukan din ang […]

Tatlong Police ng PNP Tayug tumanggap ng ‘Medalya ng Kagalingan’

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Tumanggap ng Medalya ng Kagalingan ang tatlong police ng Philippine National Police-Tayug. Ito ay pagkilala sa kanilang trabaho bilang Assault Team sa matagumpay na search warrant operation noong July 13, 2016 sa bayan ng Tayug, Pangasinan. Ang nasabing mga pulis ay sina, PO2 Junir Tabilin, PO3 Dave Castillo at Police Chief Inspector Marcos Anod. Siyam ang kabuuan ng pulis na mula sa iba’t-ibang lalawigan ng Region 1 ang nakatanggap ng nasabing […]

Dialysis Center sa lalawigan ng Aurora, pormal ng binuksan

BALER, Aurora (Eagle News) – Pormal ng binuksan ang kauna-unahang Dialysis Center sa Lalawigan ng Aurora kamakailan. Ito ay matatagpuan sa Aurora Memorial Hospital, sa Barangay Reserva, Baler, Aurora. Ang pagbubukas ay pinangunahan ni Governor Gerardo P. Noveras. Matatandaan na ipinahayag ng Gobernador nito lamang Enero, ang hangaring magkaroon ang lalawigan ng isang dialysis center. Ito ay upang hindi na aniya kailangang lumuwas pa ang mga taga-Aurora sa mga karatig na lalawigan upang magpa-dialysis, na bukod sa magastos ay […]

Isang helicopter ng Philippine Air Force ang bumagsak sa Cabayugan, Puerto Princesa, Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Bumagsak ang isang helicopter ng (WESCOM) Western Command sa Sitio Sabang, Brgy. Cabayugan, Puerto Princesa, Palawan na may 76 kilometro ang layo sa sentro ng lungsod. Ayon sa mga nakasaksi ganap na 5:00 ng hapon, nitong Martes, November 8, 2016 bumagsak ang helicopter na ikinagulat ng mga mamamayan. Ang 13 sakay na mga pulis ay nagtamo ng  injuries at masuwerte naman na walang naiulat na namatay. Agad na dinala sa pinakamalapit na […]

Tree Planting activity isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Rizal

ANGONO, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ng tree planting ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa baybayin ng Lakeside Park, WAWA ng Brgy. San Vicente, Angono, Rizal, noong Sabado ng umaga, November 5. Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong para mapangalagaan,  ma-preserve ang  kalikasan, at mapanatili ang kagandahan ng baybayin ng Lawa ng Laguna partikular sa Lalawigan ng Rizal. Pinangunahan ito ni Bro. Mayonel Taal, Rizal District Supervising Minister. Masiglang nakipagkaisa ang mga miyembro […]

Aktibidad na “Isang Puno Isang Dingaleño,” pinangunahan ng lokal ng pamahalaan ng Dingalan, Aurora

DINGALAN, Aurora (Eagle News) – Sa pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Premier Medical Center ay isinagawa ang tree planting activity sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan, Aurora. Isinagawa ito sa Kabundukan ng Brgy. Tanawan, Dingalan, Aurora noong Nobyembre 5. Ang tema ng aktibidad ay “Isang Puno Isang Dingaleno”. Kaya ang bawat isang taga-Dingalan ay dapat magtanim ng isang puno. Bahagi ng proyekto ng Lokal na Pamahalaan ng Dingalan ukol sa pag-iingat sa […]

Mahigit 70 mangingisda nakatanggap ng tulong mula sa lokal ng pamahalaan ng Meycauayan

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan (Egle News) – Labis ang kasiyahan ng mahigit 70 na mangingisda sa natanggap nilang tulong mula sa lokal ng Pamahalaan ng Meycauayan, Bulacan. Ang kanilang mga natanggap na tulong ay gamit para sa kanilang pangingisda tulad ng lambat na may kasamang nylon needle at water proof bag, at iba pang gamit pangisda. Ang turn over ceremony ay pinangunahan ng Meycauayan City Government sa pakikipagtulungan ni Mayor Henry Villarica kasama ang mga opisyal […]

Indigenous People Celeberation matagumpay na naisagawa

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Matagumpay na ipinagdiwang ng mga kababayan nating katutubo (Indigenous People o IP) ang kanilang selebrasyon kamakailan. Isinagawa ito sa Bislig City Cultural and Sports Center sa Bislig City, Surigao del Sur. Pinasalamatan ni City Councilor Rodulfo Villegas Sr., IP Rpresentative sa Sangguniang Panglunsod at Committee Chair for Indigenous People ang City Government sa malaking suportang ibinigay sa kanila. Ayon sa konsehal, lalo pa aniya nilang paunlarin ang kanilang […]

Isang paaralan ng elementarya ninakawan sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinasok ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek ang eskwelahan ng Maharlika Elementary School sa Brgy. Maharlika, Bislig City, Surigao del Sur. Sa inisyal na imbestigasyong ginawa ng Bislig City Police Station (BCPS) niransak ng mga suspek ang padlock ng Computer Laboratory Room ng nasahing paaralan. Natangay ng mga suspek ang pitong computer monitor at isang multi-media speaker. Tinatayang aabot sa P60,000.00 ang halaga ng mga natangay ng mga suspek. […]

25th Ormoc Flash Flood Commemoration isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Dumating ang pamunuan ng Japan International Coorporation Angency (JICA) noong Biyernes, November 4, 2016 sa lungsod ng Ormoc. Ito ay upang daluhan ang ika-25 paggunita sa isang malagim na trahedya (flashflood) na nangyari sa lunsod noong Nobyembre 7, 1991 na ikinasawi ng mahigit kumulang 8,000 Ormocanon. Ang JICA kailanman ay hindi malilimutan ng mga taga-Ormoc dahil isa ito sa naging kaagapay upang muli makabangon ang mga mamamayan ng lungsod sa […]