Provincial News

Anti-illegal Drugs symposium pinangunahan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo

URDANETA CITY, Pangasinan (Eagle News) – Major sponsor ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan sa isinagawang Anti-Illegal Drugs Symposium, Painting/Arts Contest, Feeding Program at Values Formation Seminar sa Urdaneta City District Jail, Brgy. Anonas, Pangasinan nitong Biyernes, October 28, 2016. Pinangunahan ito ng INC Church officers ng Urdaneta katuwang ang mga namamahala sa District Jail na pinangunahan ni Jail Chief Inspector Roque Constantino III. Ang programa ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng National […]

Mga miyembro Iglesia Ni Cristo sa Kalinga nagsagawa ng tree planting activity

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) – Bagaman apektado sa nagdaang super typhoon Lawin ang lalawigan ng Kalinga ay hindi pa rin napigil ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lalawigan para pangalagaan ang kalikasan. Nitong Biyernes, October 28ay nagsagawa ng tree planting activity sa Sitio Soto, Bulo, Tabuk City, Kalinga. Maaga pa lamang ay nagtungo na ang mga miyembro ng INC sa lugar ng pagsasagawaan ng tree planting. Ayon kay Bro. Pedro F. Castillo, District Minister ng […]

Kabahayan sa Malvar St., Poblacion, Coron, Palawan, tinupok ng apoy

CORON, Palawan (Eagle News) – Isang sunog ang naganap nitong Huwebes ng gabi, October 27 sa Malvar Street Barangay Poblacion 2, Coron, Palawan. Ayon sa nakalap na impormasyon pasado 6:00 ng gabi nang magsimula ang apoy sa isang bahay sa nasabing lugar. Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Senior Fire Officer 2 Rene Francis Ayayo. Dahil sa halos magkakadikit ang mga bahay at yari sa light materials ay […]

Nueva Ecija idineklarang nasa State of Calamity

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) – Inaprubahan na ng Sanguniang Panlalawigan ng Nueva Ecija ang hiling ni Governor Cherry Umali na mailagay sa state of calamity ang lalawigan ng Nueva Ecija dahil sa pinsalang tinamo noong nag-daang bagyong Karen at Lawin. Sa mga isinumiteng mga dokumento ng Hepe ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, Hepe ng Provincial Social Welfare and Development Office, at ang Assistant Agriculturist ng Office of the Provincial Agriculturist, nagpatunay ito […]

Suplay ng commercial rice sa Tuguegarao City nagkukulang na

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (Eagle News) —  Kulang na ang suplay ng commercial rice sa Tuguegarao City sa Cagayan dahil sa nararanasang black out dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin. Sa ipinatawag na pulong ng National Food Authority-Cagayan, iginiit ng mga private trader na maraming naka-stock na palay pero hindi naman sila makapagkiskis dahil sa kawalan ng supply ng kuryente. https://youtu.be/oMCa81lbBwo

Provincial Museum at Library sa Quirino, bukas na para sa lahat

QUIRINO (Eagle News) – Bukas na sa lahat ang Provincial Museum at Library sa lalawigan ng Quirino. Hinati ito sa anim na bahagi para sa anim na bayan na bumubuo sa lalawigan. Ang nasabing bayan ay ang sumusunod; Diffun Saguday Aglipay Maddela Nagtipunan Cabarroguis – Capital ng Quirino Ang bawat bayan ay may kani-kaniyang kontribusyon. Sa pagpasok pa lamang sa museum ay maipipinta na sa isipan kung paano namuhay ng simple ang mga ninuno sa […]

Bangued, Abra nagkaroon na ng suplay ng kuryente pagkatapos hagupitin ng Bagyong Lawin

BANGUED, Abra (Eagle News) — Nagkaroon na ng supply na kuryente ang bayan ng Bangued, Abra pagkalipas  ng anim na araw pagkatapos itong hagupitin ng napakalakas na Bagyong Lawin . Gayunpaman, sa ibang mga lugar pa rin sa probinsya ng Abra ay wala pa ring kuryente hanggang ngayon dahil maraming poste ang nasira ng nasabing bagyo Samantala, pagkatapos na pinsalain ang lalawigang ng bagyong Lawin ay tulong -tulong naman ang mga residente sa pag-aalis ng […]

Libreng medical mission isinagawa sa Provincial Jail, Catbalogan City, Western Samar

CATBALOGAN CITY, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang libreng medical mission sa Provincial Jail ng Western Samar. Ang nasabing aktibidad ay may kaugnayan sa pagdiriwang ng ’29th Prison Awareness Week’ (October 24-30, 2016). Nasa 189 na mga inmates ang nakinabang sa libreng check up at gamot na ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan. Ayon kay Reahlina Cajefe, in-charge sa nasabing programa, layunin ng aktibidad na maibigay ang kaukulang atensyon sa mga taong nasa bilangguan. Aniya, bagaman ang mga ito’y nakakulong ay nais aniyang […]

Lingap Pamamahayag isinagawa ng Iglesia ni Cristo sa Gumaca, Quezon District Jail

GUMACA, Quezon (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa mga inmates ng Gumaca District Jail sa Bayan ng Gumaca, Quezon kamakailan. Pinangunahan ni Bro. Benjie S. Estacio, District Supervising Minister ng Quezon East ang nasabing aktibidad. Bago namahagi ng mga goody bags ang mga miyembro ng INC ay nakinig muna ang mga inmates ng mga aral ng Diyos na sinsampalatayanan ng INC. Sa pagtuturo ni Bro. Benjie S. Estacio, ipinaliwanag niya […]

Mayor Sara, pinuri ang activation ng Task Force Haribon para sa seguridad ng Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Pinangunahan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte Carpio ang ‘Activation Ceremony’ ng Armed Forces of the Philippines ang Joint Task Force “HARIBON”. Si Mayor Sara ang guest speaker sa isinagawang ceremony sa Camp Panacan, Davao City at ayon sa kaniya isa itong welcome development sa Security ng Davao. Aniya, ang Joint Task force ay isang malaking tulong upang malabanan ang terrorismo. Ang Davao City umano ay walang dudang nasa forefront […]

Organic Agriculture Training Seminar, isinagawa sa Bislig City, Surigao del Sur

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang training seminar tungkol sa organic agriculture ang isinagawa ng City Organic Agri-fishery Complex ng Bislig City, Surigao del Sur. Pinangunahan ng City Development Office ng Bislig ang nasabing Training Seminar. Dinaluhan naman ito ng iba’t ibang kooperatiba sa nasabing Lungsod. Tinalakay at pinag aralan ang mga pamamaraan sa paggawa ng organikong abono, pagtatanim at natural na pag-aalaga at pagpapadami ng hayop. Layunin ng ganitong training seminar na makapagbigay ng impormasyon […]

Mahigit 180 inmates sa Tayug, Pangasinan, nakinabang sa medical-dental mission

TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Nagsagawa ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng medical at dental mission sa Tayug, Pangasinan. Ito ay bilang pakikiisa sa National Correction Consciousness Week para sa mga inmates. Nasa mahigit sa 180 inmates ang nakinabang sa libreng check up at pagbunot ng ngipin. Ang mga doktor ay nagmula sa Tayug Family Clinic at ang mga gamot naman ay mula sa Rural Health Unit ng nasabing bayan na libreng ipamimigay sa mga […]