ISABELA (Eagle News) – Nagpalabas ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela na walang pasok ang lahat ng mga nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong opisina simula mamayang 1:00 ng hapon hanggang bukas, Oktubre 20, 2016. Ito ay upang mabigyan ng panahon ang mga empleyado na ihanda ang kani-kaniyang tahanan sa paparating na super typhoon Lawin na tatama sa bahagi ng lalawigan. Kaugnay ng Executive Order ang mandato sa BFP, DPWH at Iselco 1 and 2, binigyan ng […]
Provincial News
Klase suspendido sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Isabela
ISABELA Province (Eagle News) – Suspendido na ang ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Isabela ngayong araw ng Miyerkules, October 19 at Huwebes (October 20, 2016). Suspendido na rin ang pasok ng Pamahalaang Panlalawigan sa lahat ng opisina ng gobyerno at pati na ang private offices mula 1:00 ng hapon ngayong araw hanggang bukas upang maihanda ang kani-kaniyang mga tahanan sa pagdating ng super typhoon na si Lawin […]
Blood letting pinangunahan ng kapulisan sa Tandag City, Surigao del Sur
TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Blood Letting Activity ang mga personnel ng Tandag City Police Station sa pangunguna ni PSInsp Darwin Yu at sa pakikipagtulungan ng Adela Serra Ty Memorial Medical Center Laboratory Personnel. Ang nasabing aktibidad ay bilang suporta at pagtugon sa panawagan ng Department of Health (DOH) ukol sa National Voluntary Service Program na may temang “Dugo Mo, Buhay Ko”. Layunin din nito na matulungan ang publiko sa mga […]
Bagyong ‘Karen’ nag-iwan ng malaking pinsala sa agrikultura
AGLIPAY, Quirino (Eagle News) – Malaking pinsala sa agrikultura ang iniwan ng bagyong ‘Karen’ sa buong lalawigan ng Quirino partikular na sa mga tanim na palay, mais at saging na pangunahing produkto ng lalawigan. Sa Barangay Alicia, Aglipay, Quirino ay tinumba ng bagyong Karen ang puno ng mga saging. Ang barangay na ito ay isa sa pinanggagalingan ng malaking produksyon ng saging. Ang mga aanihing palay naman ay dumapa na at inabot pa ng tubig baha. […]
Daan-daang tanim na marijuana, nadiskubre sa Bohol
Apat na raang tanim na marijuana ang nadiskubre ng kapulisang sa Barangay San Pascual, Ubay, Bohol. Na mariin namang itinanggi ng nagmamay-ari ng nasabing lupain na sa kanila ang nadiskubreng marijuana.
Bagyong “Karen” nagdulot ng malawakang brown-out sa Tarlac
Dahil sa bagyong “Karen”, kawalan ng kuryente ang naranasan ng mga residente ng Tarlac habang binabayo ng malakas na hangin. Bagamat nakalabas na ng bansa ang nasabing bagyo ay nag-aalala naman ang mga magsasaka dahil sa isa pang papasok na bagyo sa bansa na maaring makasira sa kanilang pananim.
Blood Donation activity isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Oriental Mindoro
Calapan City, Oriental Mindoro (Eagle News) — Pinangunahan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo (INC) sa probinsya ng Oriental Mindoro ang blood donation activity na isinagawa sa Gymnasium ng Bucayao, Calapan City, Oriental Mindoro sa pakikipagtulungan ng Oriental Mindoro Provincial Hospital. Ang kabuuang bilang ng nai-donate na blood bags ay 71. Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na lumahok sa nasabing aktibidad ay nagmula pa sa iba’t-ibang bayan ng Oriental Mindoro na bagama’t […]
10 kandidata ng Miss Earth 2016, dumalaw sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte
SULTAN NAGA DIMAPORO, Lanao del Norte (Eagle News) — Dumalaw sa bayan ng Sultan Naga Dimaporo, Lanao Del Norte ang sampung kandidata ng Miss Earth 2016 dakong 2:00 ng hapon noong Linggo, Oktubre 16, 2016. Ang mga kadidata na dumalaw sa Lanao Del Norte ay mula sa mga bansang: Slovenia New Zealand Maldova Nepal Lebanon Italy Cyprus Mauritius Sri Lanka Palestine. Mainit naman silang tinanggap ng mga mamayan sa nasabing Probinsiya. Tumuloy din ang delegado sa Pikalawag […]
Landslide sa Kalinga bunga ng bagyong Karen
TABUK, Kalinga (Eagle News) – Biyernes (Oktubre 14) pa lamang ng gabi ay naranasan na sa lalawigan ng Kalinga ang malakas na pag-ulan dahil sa Bagyong Karen na bumuhos pa hanggang sa magdamag ng Sabado, October 15, 2016. Bunga nito ay nagkaroon ng landslide sa Barangay Mallango, Tinglayan, Kalinga dahilan upang pansamantalang hindi madaanan ng mga sasakyan ang Tabuk – Bontoc Road. Napilitan na lamang na maglakad ang mga commuters na stranded at lumipat na […]
Human Monogram isinagawa ng mga kaanib ng INC sa Pangasinan
POZORRUBIO, Pangasinan (Eagle News) – Dinagsa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang Florencio Buen Sports Center sa Pozorrubio, Pangasinan noong biyernes, October 14, 2016. Madaling araw pa lamang ay nagsidatingan na ang mga miyembro upang isagawa ang pagbuo ng Human Monogram na “Ikinararangal ko na ako ay Iglesi Ni Cristo, Pangsinan East”. Tinatayang aabot sa 3,000 katao ang bumuo sa ginawang human monogram. Bahagi aniya ito sa mga aktibidad na isasagawa ng mga kaanib ng INC […]
Public Advisory: Pre-school-High School sa pribado at pambulikong paaralan sa Hermosa, Bataan, walang pasok
HERMOSA, Bataan (Eagle News) – Walang pasok sa Lunes, October 17, 2016 sa Bayan ng Hermosa, Bataan mula pre-school hanggang high school sa pribado at pambulikong paaralan. Ito ay dahil sa paparating na Bagyong Karen. Pinapayuhan ang mga mamamayan na maging handa at alerto sa paparating na sama ng panahon. Dhanielyn Canlas Punzalan – EBC Correspondent, Bataan
Surgical Mission, sinimulan na ng Bukidnon Provincial Hospital sa Maramag
BUKIDNON (Eagle News) – Sinimulan na noong Miyerkules, Oktubre 12 ang Surgical Mission ng Bukidnon Provincial Hospital sa Bayan ng Maramag sa pangunguna ni Ambassador Alfonso T. Yuchengco ng AY Foundations Inc. sa pakikipagtulungan ng Rotary Club of Metro Maramag (RCMM) at Philippine College of Surgeons. Kasama din ang Philippine Countryville College (PCC) at First Bukidnon Electric Cooperative (FIBECO) bilang co-sponsors sa nasabing surgical mission. Libre ang lahat para sa mahihirap at inaanyayahan din ang iba […]