Provincial News

Miss Earth Philippines candidates mainit na sinalubong ng mga Dabawenyo

DAVAO CITY (Eagle News) – Masayang sinalubong ng Dabawenyo ang mga kandidata ng Miss Earth Philippines noong Huwebes, October 14 sa Davao. Dumating ang 120 candidates ng Miss Earth Philippines Pageant at mananatili sa Davao sa loob ng isang linggo. Ayon kay Gene Rose Tecson, chief of the City Tourism Operations Office, isa umano itong oportunidad para sa kanila na makita ang mga bagay na ipinagmamalaki ng Davao. Ang nasabing tourism event umano ay karagdagang income generation at […]

Moral recovery and drug symposium program patuloy na isinasagawa sa Parañaque City

PARAÑAQUE CITY (Eagle News) – Patuloy ang pagsasagawa ng seminar sa mga drug surrenderees sa iba’t-ibang barangay ng lungsod ng Parañaque, kasama sa pagtalakay kung paano sila makapag babagong buhay upang hindi na muling gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Meron din nakaalan na mga Livelihood Program at iba pang trabaho na maaari silang makapasok kagaya ng pagwawalis na proyekto ng administrasyon ng Parañaque. Melanie dela Cruz, EBC Correspondent, Parañaque City

Dalawang araw na seminar ukol sa anti-illegal drugs at crime prevention, isinagawa sa San Agustin, Isabela

SAN AGUSTIN, Isabela (Eagle News) – Bilang pakikipagkaisa sa kampanya ng Pamahalaan ukol sa kriminalidad at pagsugpo ng lumalalang suliranin sa iligal na droga, nagsagawa ng dalawang araw na Symposium on Anti-illegal Drugs at Crime prevention ang personnel ng San Agustin Police Station. Nagsimula ito noong Oktubre 11-12 sa pangunguna ni Police Chief Inspector Rolando L. Gatan sa Bayan ng San Agustin, Isabela. Isinagawa sa Dorganda High School, Barangay Laoag ang unang araw ng Symposium upang […]

Mosyon ni Matobato binasura; piyansa itinaas sa 60,000 pesos

DAVAO CITY (Eagle News) – Naglabas ng desisyon ang Municipal Trial Court in Cities (MTCC) Branch 3 sa sala ni Judge Silverio Mandalupe na nagbasura sa mosyon sa abogado ng self-confessed Davao Death Squad (DDS) member Edgar Matobato. Si Atty. Jude Josue Sabio na bagong abogado ni Matobato ay nag-mosyon upang ma-recall ang warrant of arrest para sa kasong illegal possession of firearms ng kaniyang kliyente ngunit nabasura lamang ito. Napag-alaman na humingi ng konsiderasyon sa korte si […]

Pagtataas sa multa sa mga paglabag ng TELCOS, isusulong sa pamamagitan ng House Bill 671

QUEON CITY (Eagle News) – Isinusulong ni Tarlac 2nd District Representative Victor Yap sa Mababang Kapulungan ang pag-amyenda sa batas na nagpapataw ng multa o parusa sa mga TELCOS na lumalabag sa Certificates of Public Convenience and Necessities (CPCN) na ini-issue ng National Telecommunications Commission ( NTC). Ayon sa lumang Commonwealth Act (CA) 146 o mas kilala sa tawag na Public Service Law na unang ipinatupad pa noong 1936, nagkakahalaga lamang ng P200 hanggang P25,000 kada araw […]

Agro-Industrial Trade Fair isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Bukidnon

VALENCIA CITY, Bukidnon (Eagle News) – Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Agro-Industrial Trade Fair sa lalawigan ng Bukidnon. Isinagawa nila ito sa Rizal Plaza, Valencia City sa pangunguna ni Bro. Daniel V. Roxas, District Minister ng Bukidnon. Nilahukan ito ng iba’t ibang bayan ng Bukidnon na may inilaang mga produkto. Makikita ang mga sariling gawa ng mga nakilahok, mga pananim, kakanin at maraming pang iba na talaga namang ipinagmamalaki ng kanilang […]

Blood donation sa Olongapo, pinangunahan ng Liga ng mga Barangay

OLONGAPO CITY, Zambales (Eagle News) – Nagsagawa ng malaking Blood Letting Program ang Lungsod ng Olongapo kung saan pinangunahan ito ng Liga ng mga Barangay Sa Pilipinas – Olongapo City Chapter at sa pakikipagtulungan ng Disater Risk Reduction Management Council (DRRMC). Isinagawa ito sa Rizal Triangle Sports Complex na nilahukan din ng mga Local Government Units at barangay officials sa nasabing lalawigan. Ayon kay Brgy. Captain Randy Sionzon ng Brgy Kalalake, kasalukuyang Presidente ng Liga ng mga Baragay […]

Apat na lalaki arestado sa kasong iligal na pangingisda

SURIGAO DEL SUR (Eagle News) – Arestado ang apat na lalaki sa kasong iligal na pangingisda matapos mahuli na gumamit ng “Buso” o Compressor, Fishing without Registration, Permit and License. Ang mga suspek ay nakilalang sina Alden Lariva, Frederic Bulabog, Richard Tarnuas, at Ben Moblanco kapwa residente ng Barangay Dahican, Carrascal, Surigao del Sur. Nahuli ang mga ito sa pamamagitan ng isinagawang Seaborne Patrol ng mga kapulisan sa nabanggit na bayan at sa suporta na […]

Updated: Two dead, at least 24 injured in Bocaue fireworks blast

  (Eagle News) — At least 24 persons were injured and two were killed in a fireworks blast in Bocaue, Bulacan that occurred before noon Wednesday, October 12, according to police reports. The first explosion occurred around 10 a.m. in one fireworks store along McArthur Highway. Those interviewed by Eagle News correspondent Diosal Alcejera said it felt like there was a bomb explosion and the whole area shook. The explosion was first reported at the fireworks store […]

Dalawang 4 storey school building sa Ormoc City, pinasinayaan

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinangunahan ni Congresswoman Lucy T. Gomez noong Lunes ng umaga, October 10 ang pagpapasinaya ng dalawang 4-storey school building na mayroong 60 silid-aralan. Pormal itong na-i-turn over sa pangasiwaan ng Ormoc City Senior High School. Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang implementing agency ng nasabing proyekto. Ayon kay District Engr. Lino Gonzales, umabot sa 80 milyong piso ang nagugol sa dalawang gusaling ito. Sa inauguration ceremony ay […]

Vice Mayor Paolo Duterte tinanggap ang hamon ni Senator Trillanes para sa drug test

DAVAO CITY (Eagle News) – Tinanggap ni Vice Mayor Paolo Duterte ang hamon ni Senator Antonio Trillanes IV na sumailalim sila sa comprehensive drug test matapos nitong ihayag na may isang Senator umano ang gumagamit ng cocaine. Inaayos na lamang umano ni Duterte ang kaniyang schedules upang maisagawa ito. Mungkahi ng Bise Mayor, hindi lamang dapat aniya si Trillanes kundi maging lahat ng Senador umano ay gawin din ito bilang pag-suporta na rin sa anti-illegal drugs campaign […]

Isang paaralan sa Bataan, nakatanggap ng bomb threat

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Isang text message umano ang natanggap ng isang guro na pasasabugin ang isang paaralan sa Tomas del Rosario sa siyudad ng Balanga, Bataan sa pamamagitan ng isang bomba. Ang nasabing guro ay nakilalang si Ms. Mikee Diego, 20 taong gulang, naninirahan sa Barangay Sta Rosa, Pilar, Bataan, Grade 8 teacher ng nasabing eskwelahan. Agad naman niya itong naireport sa mga awtoridad. Agad din rumisponde ang Balanga CPS, Balanga CPSO, BFF at Bataan EOD at […]