Provincial News

Basura sa bayan ng Estancia, Ilo-Ilo, unhealthy level na

ESTANCIA, Ilo-Ilo (Eagle News) – Ang basurahan ng Bagsakan Market ng Estancia ay isa sa malaking issue ngayon sa nasabing Bayan.  Ito ay dahil sa tambak at samu’t-saring amoy ng basura ang laging dinadaing ng mga tao na laging nasa Bagsakan Market. Sa bagsakan market nagtitinda ang mga transient vendor ng mga produkto tulad ng gulay, niyog, bigas at mga prutas. Dito rin bumili ang mga wholesaler ng mga produkto na dinadala sa mga karatig na pulo ng Estancia. […]

Zika Virus pinaghahandaan na ng PHO-Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Bilang paghahanda sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng zika virus sa bansa ay nagbigay ng kaalaman at impormasyon ang Provincial Health Office (PHO) patungkol sa impeksyong ito at mga dapat isaalang-alang ng mga mamamayan para maiwasan ito. Sa kasalukuyan, ang zika virus ay itinuturing nang pandaigdigang suliraning pangkalusugan. Ayon kay Gng. Ida S. Viray, Health Education and Promotions Officer (HEPO) II ng PHO, ang zika virus […]

Libreng pagpapaganda handog para sa mga Guro ng Palayan City, Nueva Ecija.

PALAYAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) –  Pinaghandugan ng Provincial Government ng Nueva Ecija katuwang ang Provincial Manpower and Training Center (PMTC) ang mga Public School Teacher sa Palayan City, Nueva Ecija ng libreng serbisyo tulad ng sumunod: Gupit Hot oil Hair Color Massage Manicure Pedicure Ito ay bilang pagpupugay at pagpapasalamat sa mga guro dahil sa walang sawang pumapanday at humuhubog sa kaisipan ng mga kabataan. Ang programang ito ay sinimulan noong October 5 sa Nueva Ecija Convention Center, […]

15 sundalong nagpositibo sa isinagawang random drug-testing, sinibak sa pwesto

JAMINDAN, Capiz (Eagle News) –  Umabot sa 15 sundalo ng 3rd Infantry (Spearheaded) Division (ID), Philippine Army sa Brgy. Jaena Norte Bayan ng Jamindan, Capiz ang sinibak sa serbisyo dahil nagpositibo isinagawang drug testing. Ito ay kinumpirma mismo ni 3rd ID Commander General Harold Cabreros. Ayon sa kaniya ay pawang enlisted personnel at walang opisyal sa nasabing dibisyon ang napatunayang gumagamit ng iligal na droga. Tinitiyak naman ni Cabreros na isinusulong nila na ang 3rd ID […]

Blood donation magkatuwang na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo at Philippine Children’s Medical Center

QUEZON CITY (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang Blood Donation ng Iglesia Ni Cristo sa pakikipagtulungan ng Philippine Children’s Medical Center noong Sabado, October 8, 2016. Isinagawa ito sa kapilya ng INC sa Mindanao Avenue, Quezon City. Maraming tao ang nag-donate ng dugo, kaanib man o hindi ng INC ay nagkaisa para makatulong sa kapwa. Ilang mga medical technologist, doctor, at nurses ang lumahok upang makalikom ng dugo na makatulong sa mga batang nangangailangan. Ayon kay […]

Clean-up drive isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Rodriguez, Rizal

RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Rodriguez, Rizal ng Clean-up Drive. Sinimulan ang paglilinis sa paligid ng kapilya ng INC at natapos sa  Barangay Hall ng Burgos sa pangunguna ni Bro. Andres Millo, ministro ng ebanghelyo. Layunin nito ay upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan at kagandahan ng bawat barangay ng nasabing Bayan. Ryan Madriaga – EBC Correspondent, Rodriguez, Rizal

Motorcade para sa gagawing Dakilang Pamamahayag nilahukan ng maraming kaanib sa Iglesia ni Cristo sa Paco, MMW

PACO, Maynila (Eagle News) —  Nilahukan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Paco, Maynila ang isinagawang malaking motorcade kahapon, October 9, sa iba’t-ibang kalsada sa nasabing lungsod bilang paghahanda sa isasagawang Pamamahayag sa ika 6 ng hapon (6:00pm) ngayong araw, Oktubre 10 na gaganapin sa San Andres Complex, Manila. Sa pangunguna ng SCAN at Manila Traffic Bureau ay naging maluwag ang mga kalsada at hindi nagdulot ng anumang matinding trapiko sa mga daanan sa kabila […]

Motorista pinag-iingat sa pag daan sa Zigzag Road ng Mariveles, Bataan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) – Pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga motorista na dumadaan sa Zigzag Road na pangunahing kalsada pagpasok at paglabas ng Bayan ng Mariveles, Dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan sa lalawigan lalo na sa Mariveles nagdudulot ito ng pagdulas sa nasabing kalsada na kalimitang naging sanhi ng aksidente. Mapapansin din ang maraming butas ng kalsada dahil kasalukuyan itong ginagawa na nagdudulot din ng abala sa mga motorista. Kaya patuloy na pinapayuhan ang […]

DOH at Provincial Government ng Nueva Ecija nagsagawa ng dental mission sa mga paaralan

NUVA ECIJA (Eagle News) – Nagsagawa ng dentel mission sa mga paaralan ang Department of Health (DOH) at Provincial Government ng Nueva Ecija. Tinatawag nila ang proyekto na “Smile Mo, Labs Ko”. Nitong nakaraang Huwebes, October 6 sa Gabaldon Central School, Nueva Ecija nila isinagawa ang nasabing aktibidad. Nakinabang ang mga mag-aaral sa elementarya ng nasabing Paaralan. Narito ang bilang ng mga mag-aaral na tumanggap ng libreng serbisyo: 606 ang tumanggap ng libreng toothbrush, toothpaste at Oral Health Education 120 […]

Tree planting isinagawa sa apat na Barangay ng Nueva Ecija

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Muling nagsagawa ng tree planting activity ang Pantabangan Carranglan Bantay Watershed Protection Council sa apat na Barangay ng Nueva Ecija. Layunin nito na mapanatili ang watershed at magpatuloy ang kampanya ukol sa kamalayan ng mamamayan ukol sa kahalagahan ng kagubatan. Ang apat na barangay na pinagsagawaan ng tree planting ay ang mga sumusunod: Barangay Salazar, Carranglan, Nueva Ecija Barangay RA Padilla, Carranglan Barangay Pamalyan, Pantabangan, Nueva Ecija Barangay Conversion, Pantabangan, Nueva Ecija Matapos ang aktibidad ay isinagawa naman ang maikling […]

Arraignment ng aktor na si Mark Anthony Fernandez, nasuspinde

ANGELES CITY, Pampanga (Eagle News) – Pansamantalang nasuspinde ang nakatakdang arraignment kahapon ng tanghali, Ocotber 6 sa kasong kinahaharap ng aktor na si Mark Anthony Fernandez. Ang pagbasa ng sakdal sa kasong kaniyang kinahaharap ay nakatakda sanang isagawa sa MTC Branch 1112 ng Angeles City, Pampanga. Kasalukuyan pa rin itong nakakulong sa Station 6 ng Philippine National Police-Angeles City. Matatandaan na nahulihan kamakailan ang aktor ng isang kilo ng tuyong Marijuana sa loob ng kaniyang kotse sa isang […]