Provincial News

Matobato maaring hulihin kahit saan – Davao City Police Office

DAVAO CITY (Eagle News) – Handa ng hulihin ng Davao City Police Office (DCPO) ang nagpakilalang miyembro ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato. Inilabas na ng korte ang warrant of arrest laban kay Matobato na may kinalaman sa illegal possession of firearms and ammunition na isinampa sa kaniya noong taong 2014. Ayon kay DCPO Police Senior Inspector Catherine Dela Rey, handa na umano silang ihain ang warrant of arrest kay Matobato kahit saan man ito naroroon […]

World Teachers’ Day celebration isinagawa sa Bataan

BALANGA, Bataan (Eagle News) – Ipinagdiwang kahapon, Miyerkules, October 5, 2016 ang World Teachers’ Day Celebration na may temang “Guro: Kabalikat sa Pagbabago”. Isinagawa ito sa Bataan Peoples Center Capitol Compound sa lungsod ng Balanga. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan nina: Schools Division Superintendent Jessie Ferrer Representative 1st District Hon. Jose Enrique Garcia III Representative 2nd District Hon. Geraldine Roman Mr. Nicolas Capulong OIC Schools Division Superintendent. Kasabay na isinagawa rin ang kick-off Ceremony ng first Department of Education Sports […]

Kaso ng dengue sa Nueva Ecija bumaba

NUEVA ECIJA (Eagle News) – Bumaba ng 35.65 % ang kaso ng dengue sa Nueva Ecija ngayong taon, batay ito sa nakalap na datos ng tanggapan ng Provincial Health Office. Mula Enero hanggang Setyembre 10, 2016 ay umabot lamang sa 1,314 ang naitalang kaso ng dengue kumpara sa 5,247 ng parehong saklaw na petsa ng taong 2015. Ang mga lugar na may malaking bilang ng kaso ng dengue ay ang mga bayan ng: Cabanatuan City – […]

Abogado ni Matobato sa Davao, umatras

DAVAO CITY (Eagle News) – Umatras na si Atty. Gregorio Andolana bilang abogado ni self-confessed member Davao Death Squad (DDS) Edgar Matobato. Matatandaan na nagpresinta si Andolana bilang abogado ni Matobato para sa illegal possession of firearms and ammunition na ikinaso sa kaniya noong Hunyo 2014. Noong Martes, October 4, 2016, naglabas na ng Warrant of Arrest si Judge Silverio Mandalupe sa Davao City laban kay Matobato dahil sa hindi pagsipot sa mga itinakdang arraignment nito. Ayon […]

Vice Mayor Paolo Duterte, nagsalita na tungkol sa adik na Senador at kay Matobato

DAVAO CITY (Eagle News) – Ipinahayag ni Vice Mayor Paolo Duterte na luluwas siya ng Maynila upang kunin ang lahat ng ebidensiya laban sa isang Senador na gumagamit at naging addict na umano sa cocaine. Ayon sa Vice Mayor, isang pinagkakatiwalaang kaibigan ang nagbigay sa kaniya ng lahat ng impormasyon ukol sa nasabing senador. Ngunit hindi naman niya binanggit ang pangalan nito. Aniya, darating din ang panahon na magkakaharap din silang dalawa. Sinabi rin niya, kailanman […]

Albuera, Leyte Mayor Espinosa, nakakulong na sa Baybay City Sub-Provincial Jail

ALBUERA, Leyte (Eagle News) – Pagkatapos na mabasahan nitong Miyerkules, October 5, 2016 ng sakdal na illegal possession of firearms and illegal drug possession, ikinulong na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinos sad Baybay City Sub-Provincial Jail sa Barangay Hipusngo, Baybay City, Leyte. Kinasuhan ng awtoridad si Mayor Espinosa ng kasong violation of Sec.28 of R.A. 10591 with criminal case no. B-16-10-154 para sa illegal possession of firearms at violation of Sec.11 art. 2 of R.A. 9165 with criminal case […]

Dengue outbreak, idineklara sa Biri, Northern Samar

BIRI, Northern Samar (Eagle News) — Nagdeklara ng dengue outbreak ang Department of Health (DOH) sa bayan naman ng Biri, Northern Samar. Ito’y matapos tumaas ang bilang ng naitalang kaso ng dengue sa nasabing lugar. Ayon sa Samar-DOH, may isang barangay pa kung saan limang kaso ng dengue ang naitala. Sa huling datos naman ng ahensya, nasa 4,482 cases na ang naitala sa buong rehiyon ng eastern Visayas. https://youtu.be/lTJRgbIwKHM

Ocular inspection sa Quarry ng Brgy. Mabini, Ormoc City, Leyte isinagawa

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinangunahan noong Martes ng umaga, October 4, 2016 ni DENR Regional Director Leonardo Sibbaluca at ni Mines Geosciences Bureau Regional Director Raul Laput ang inspection sa isang quarry sa Barangay Mabini. Ang nasabing lugar ay napagitnaan ng dalawang Bayan. Ang bahaging kaliwa ay sakop ng Ormoc City at ang kanang bahagi naman ay sakop ng Albuera, Leyte. Sa bahagi ng Ormoc City ay pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez kasama ang mga opisyales […]

Pamamahagi ng libreng bigas at medical mission isinagawa sa 6 na Barangay sa Western Samar

TARANGNAN, Western Samar (Eagle News) – Matagumpay na naisinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ang medical mission at pamamahagi ng libreng bigas sa anim na Barangay ng Bayan ng Tarangnan, Western Samar. Nakinabang ang mahigit 200 residente sa libreng check up at gamot. Mahigit sa 1,100 naman ang nabigyan ng tig-tatlong kilong bigas na mga residente. Ayon kay Gng. Reahlina Cajefe, incharge ng nasabing aktibidad, ang programang ito ng Pamahalaang Panlalawigan na pinangunahan ni Governor Sharee Ann Tan ay […]

Oplan Tokhang ng PNP lalo pang pinaigting sa Tagbina, Surigao del Sur

TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Pagkatapos na maisagawa ang sunod-sunod na Drug Awareness Symposium ng Tagbina Philippine National Police (PNP), muli nilang binalikan ang mahigit 629 kabahayan sa isinagawa nilang Oplan Tokhang dito sa Tagbina, Surigao del Sur. Muling kinausap at pinayuhan ang mga personalidad na kabilang sa drug watch list ng buong Munisipalidad ng Tagbina. Ipinaabot sa kanila na dapat gawing totohanan ang pagbabagong-buhay at tuluyan nang iwan ang iligal na droga. Sa […]

Malaking kabute tumubo sa isang bahay sa Negros Occidental

E.B. MAGALONA, Negros Occidental (Eagle News) – Ilang malalaking mushroom o kabute na natagpuan sa isang dito sa isang bahay sa Bgy, Magalona, ang ngayon at pinagkakaguluhan sa baying ito. Ang malalaking kabute at natagpuan sa tahanan ni Ma.Fe Pachejo sa Boulevard Street, Brgy. 2 E.B. Magalona, Negros Occidental na siyang pinagkakaguluhan ngayon ng kanyang mga kapitbahay. Ayon sa kanila, ang nasabing kabute ay basta na lamang tumubo rito.  Sa simula ay hindi nila ito pansin, ngunit nagulat na lamng sila nang bigla itong lumaki. […]

Arrest warrant inilabas na para kay Matobato

DAVAO CITY (Eagle News) – Nagpalabas na ng Warrant of Arrest si Judge Silverio Mandalupe sa Davao City laban kay self-confessed member ng Davao Death Squad (DDS) na si Edgar Matobato. Hindi rin sumipot si Matobato sa itinakdang arraignment nitong Martes, October 4, 2016 sa Municipal Trial Court in Cities (MTCC) – Branch 3, sa sala ni Judge Silverio Mandalupe sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition. Hindi rin sumipot ang abogado nitong si Atty. Gregorio Andolana. Matatandaan […]