ORMOC CITY, Leyte (Eagke News) – Opisyal ng sinimulan ang pagtatayo ng isang Septage Treatment Facility sa pamamagitan ng groundbreaking nito kamakailan sa Green Valley, Ormoc City, Leyte na kung saan itatayo ang nasabing pasilidad. Ang proyektong ito ay bilang tugon sa nakakabahalang pagdami ng e-coli contamination sa tubig ng lungsod. Pagtugon din ito sa batas na tinatawag na Philippine Clean Water Act na may mandato na ang mga lokal na pamahalaan ay dapat magtatag ng […]
Provincial News
Drug Awareness Symposium inilunsad ng PNP Tagbina
TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Sa matinding kagustuhan ng Philippine National Police-Tagbina na maging Drug Free ang kanilang bayan, magkasunod na inilunsad ng PNP Tagbina ang isang Drug Awareness Symposium sa iba’t ibang barangay at eskwelahan ng Tagbina, Surigao del sur. Unang pinuntahan ay ang Barangay ng Poblacion na kung saan isinabay nila sa Family Development Session ng mga benipisyo ng 4P’s (Pantawid Pamilyang Pilipino Program) ng DSWD. Ang mga magulang ang una nilang […]
Mahigit 300 katao lumahok sa Fun Run ng DTI sa Ipil, Zamboanga Sibugay
IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Nasa mahigit 300 katao ang lumahok sa isinagawang Fun Run ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Engr. Al-Zamir Lipae, Provincial Director ng DTI-Sibugay, ang 8 Kilometer Fun Run ay sabay-sabay na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Zamboangaa Peninsula Region. Dagdag pa, ito ang kauna-unahang Consumer Run sa rehiyon na may temang “Consumer Protection: A Shared Responsibility”. Karamihan sa mga sumali […]
Tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group huli sa Zamboanga City
ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Tatlong pinaniwalaang tauhan ni Abu Sayyaf sub-lider Alhabshi Misaya ang nadakip sa isang Pension House, bandang 2:00 ng hapon nitong Lunes, October 3 sa Zamboanga City. Tatlong iba pa ang nakatakas subalit ang mga dalang granada, baril, at kasangkapang pampasabog ay nakumpiska. Agad namang dinala sa Zamboanga Central Police Office ang tatlong naaresto para isailalim sa masusing imbestigasyon. Ang mga kasangkapan pampasabog, granada, at baril ay nakumpiska sa Room 207 […]
Voter’s registration ng Barangay at SK Elections hindi muna tuloy ngayong Oktubre
MANILA (Eagle News) – Inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) na hindi muna itutuloy ang pagbubukas ng voter’s registration nitong Lunes, October 3. Ayon kay COMELEC Spokeperson James Jimenez, nagpasya silang huwag munang simulan ang pagpapatala ng mga botante para sa 2017 Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) dahil hindi pa lubusang naipapasa ang batas na nagpapaliban sa 2016 Barangay at SK Election. Umaasa si Jimenez na makapaglalabas sila ng opisyal na Resolusyon sa […]
Bamboo Planting isinagawa sa Bayan ng Sta. Maria, Pangasinan
STA. MARIA, Pangasinan (Eagle News) – Tinatayang nasa 2,000 kawayan ang naitanim sa may Brgy. Sta. Rosa at Paitan Sta. Maria, Pangasinan sa isinagawang Bamboo Planting Activity na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-116th Anniversary ng Philippine Service na may temang “Malasakit Para sa Kalikasan”. Nagtulong-tulong ang mga empleyado ng Water District, Local Government Units-Pangasinan, Commission on Audit, at Department of Education. Nakipagtulungan din ang Association of Regional Executives-Region 1, Department of Environment and Natural Resources-Region 1 at Civil […]
Story Telling at Feeding Program para mga bata isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon
INFANTA, Quezon (Eagle News) — Walang pagsidlan ang katuwaan ng halos 400 mga bata na may edad na 2-8 taong gulang kasama ang kanilang mga ina sa isinagawang Feeding Program ng Iglesia Ni Cristo sa Infanta, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga manistro ng INC, asawa ng mga minstro, at mga miyembro ng INC sa bayan ng Infanta. Masaya na, nabusog pa ang mga bata […]
Mga negosyante nagpapasaklolo sa madalas na brownout sa Boracay
BORACAY, Philippines (Eagle News) — Nagpapasaklolo na sa national government ang Philippine Chamber of Commerce and Industry para solusyunan ang araw-araw na brownout sa isla ng Boracay. Sinabi ni PCCI Corporate Secretary Elena Blugger na nagpadala na sila ng sulat kay Pangulong Rodrigo R. Duterte dahil malaki na ang epekto nito sa mga establisyemento sa isla. Ang isla ng Boracay ang itinuturing na gateway ng industriya ng turismo sa aklan. Ayon kay Blugger, dapat nang […]
Presyo ng mga bilihin sa Bislig City, Surigao del Sur, nanatiling “stable”
Bislig City, Surigao del Sur (Eagle News) – Tiniyak ng Department of Trade and Industry ng Bislig City na walang pagbabago sa presyo sa mga bilihin sa Lokal Market ng Bislig City. Batay ito sa isinagawa nilang price monitoring nitong buwan ng Setyembre kasabay ng implementasyon ng State of National Emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Teresita Subibi ng DTI Bislig, sumunod naman ang mga negosyante sa ipinatupad na price freeze maliban lang sa mga prime […]
Dahil sa patuloy na pag-ulan, pagbaha nararanasan na sa Bataan
BATAAN (Eagle News) – Nakararanas na ng baha ang Barangay Almacen, Hermosa, Bataan dahil sa magdamag na pag-ulan na sinabayan pa ng high tide. Sa kasalukuyan ay umabot na sa tuhod ang tubig. Bagamat ang pagtaas ng tubig ay karaniwan na sa mga nakatira sa Brgy. Almacen dahil sa ito ay pinakamababang lugar sa Bayan ng Hermosa. Patuloy namang nakaalerto ang Pamahalaang Lokal sa anumang maaring maging pinsala ng ulan sa nasabing barangay. Sa bayan […]
Power interruption advisory: Para sa ilang bahagi ng Bulacan
PANDI, Bulacan (Eagle News) – Magkakaroon ng pagkaantala sa serbisyo ng kuryente ng MERALCO sa Pandi, Bulacan ngayong araw (Huwebes, September 29, 2016) mula 11:00 ng gabi 5:00 ng umaga (Biyernes, September 30, 2016). Ang mga bahaging maapektuhan ng power interruption ay ang mga sumusunod; Balagtas Road, mula Kalye Andres St. hanggang Grace at Roel Store. Brgy. Dalig, Balagtas Brgy. Santol, Balagtas Brgy. Bunsuran, Pandi. Ang sanhi nito ay ang re-conductoring sa mga linya ng Meralco […]
Lakbay Aral sa paggawa ng Vegie Noodles isinagawa ng mga mag-aaral sa Orani, Bataan
ORANI, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Lakbay Aral ang mga mag aaral ng Child Alikabok Learning Center, Orani, Bataan kasama ang kani-kanilang mga magulang sa pagawaan ng Vegie Noodles sa Barangay Tuyo, Balanga, Bataan. Pinangunahan ito ni Mr Leonardo David, Presidente ng Balanga Agrarian Reform Beneficiaries (BARB). Ipinakita ang proseso ng paggawa ng kalabasa noodles. Mayroon din silang malunggay noodles na bukod sa masarap na ay healthy pang kainin dahil walang halong preservatives. Ang nasabing produkto […]