Provincial News

Balikatan Exercises tinalakay sa naging pagpupulong ng LGU Ormoc City at mga bumisitang sundalo

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isang grupo ng kasundaluhang Pilipino at Amerikano ang dumalaw at nakipag-pulong sa mga opisyales ng Pamahalaang Lokal ng Ormoc City. Layunin nito ay  upang talakayin ang proposal ukol sa Balikatan Exercises sa Ormoc City sa April 2017. Ang Balikatan (Shoulder to shoulder) ang tawag sa taunang military exercises sa pagitan ng Estados Unidos ng Amerika at Pilipinas. Ang Balikatan Exercises ay nakadisenyo upang panatilihin at paunlarin ang relasyong pang-seguridad sa pagitan ng ating […]

DOST pinangunahan ang Regional Technology Transfer Day

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Isinagawa ang Regional Technology Transfer Day sa Ormoc City Superdome, Ormoc City, Leyte. Pinangunahan ng Department of Science & Technology (DOST) ang nasabing okasyon. Labing-isang (11) mga speaker sa technology showcase ang nagsalita sa nasabing okasyon kung saan ang bawat tagapagsalita ay binigyan ng tigsasampung minuto (10 minutes) upang mai-presinta ang kanilang mga bagong tuklas na technology o kaya’y produkto. Nagustuhan naman ni Ormoc City Mayor Richard I. Gomez ang bagong tuklas […]

Hero’s welcome ibinigay ng mga Ormocanon kay IBF Flyweight World Champion Johnriel Casimero

ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Laking tuwa ang mga Ormocanon sa pag-uwi ng itinuturing nilang hero na si Johnriel Casimero. Ito ay dahil isa na namang napakalaking karangalan ang dala nito bilang pasalubong para sa kaniyang mga kababayan. Itinanghal si Johnriel “Quadro Alas” Casamero, 26 taong gulang, tubong Ormoc City, Leyte bilang IBF Word Flyweight Champion sa kaniyang laban noong Linggo, ika-11 ng Setyembre 2016 sa 02 Arena, London laban sa kaniyang katunggaling isang british na […]

19 pang sugatan na biktima ng Davao blast nasa hospital pa rin

DAVAO CITY (Eagle News) – Sa animnapu’t siyam na biktimang nasugatan sa Roxas Night market blast noong Septermber 2, labing-siyam (19) pa ang nasa anim na mga ospital sa Davao City hanggang sa ngayon. Ayon sa talaan ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang naiwang labing walong biktima ay hindi na kritikal ang kalagayan dahil nailipat na di-umano sila sa private rooms. Si Julius Gallardo naman ay nananatili pa rin sa Intensive Care Unit (ICU) […]

Maaliwalas na panahon naramdaman na ng Abra pagkatapos ng bagyong “Ferdie”

BANGUED, Abra (Eagle News) – Maaliwalas na ulit ang panahon sa lalawigan ng Abra pagkatapos lumabas sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Ferdie. Wala namang naiulat na casualties bunga ng nagdaang bagyo. Masigla na ulit ang kalakalan sa Bangued, Abra. May pasok na rin ulit sa lahat ng level ng paaralan sa lalawigan mula pre-school hanggang college. Hindi rin nakaapekto ang nagdaang bagyo sa halaga ng mga bilihin. Hindi rin tumaas ang langis at namamalagi pa rin dating presyo. […]

Bomb drill isinagawa ng Barobo PNP, Surigao del Sur

BAROBO, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng isang bomb explosion drill ang Barobo Municipal Police Station sa Barobo Integrated Bus and Jeepney Terminal. Pinangunahan ito ni Police Senior Inspector Manolo Andrew M. Caoille, OIC, COP, kasama ang mga kapulisan at may coordination din sa iba’t ibang lokal na ahensya. Ayon sa impormasyon, ang isinagawang aktibidad ay properly coordinated. Dinaluhan din ito ng mga representative at personalities na galing sa; Search and Emergency Response Team of […]

Epekto ng bagyong Ferdie naramdam na sa Kalinga

TABUK CITY, Kalinga (Eagle News) — Dahil sa epekto ng bagyong Ferdie nakaranas ang lalawigan ng Kalinga ng katamtaman hanggang sa malakas na mga pag-ulan. Pinapag-ingat naman ng Kalinga PDDRRMC ang mga mamamayan lalo na ang mga nasa landslide prone area sa mga posibleng pagguho ng lupa partikular na sa Upper Kalinga. Ayon kay Mr. Richard Anniban, officer in charge ng nasabing ahensiya, patuloy silang magsasagawa ng close monitoring lalo na sa mga lugar na malapit […]

“Welcome Kapatid Ko” masayang isinagawa ng mga kaanib sa INC sa Guadalupe, Makati City

GUADALUPE, Makati City (Eagle News) – Matagumpay at masayang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo mula sa lokal ng Guadalupe, Makati City ang isang aktibidad na “Welcome Kapatid Ko”. Ang aktibidad na ito ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa kasalukuyang nasa proseso ng pag-anib sa Iglesia na tinatawag na Dinudoktrinahan at Sinusubok. Layunin ng mga ganitong programa ng Iglesia Ni Cristo na mabigyang halaga ang bawat kaanib lalo na ang mga nagsusuri […]

Isang pulis binangga ng motorsiklo habang nagmamando sa checkpoint

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) – Nabali ang binti at nagtamo ng mga sugat sa katawan si Police Senior Inspector Jericho Redon ng San Rafael, Bulacan nang banggain ng isang motorsiklo. Ayon sa mga pulis, pinahihinto ng biktimang pulis ang dalawang magkasunod na motorsiklo dahil walang suot na helmet ang mga sakay nito. Subalit binalewala lamang ng driver ang pulis ng naunang motor at dumiretso lamang ito. Ang driver ng ikalawang m0tor ay sinadyang aniyang banggain […]