DAVAO City (Eagle News) – Pinangunahan ni Atty. Raul Nadela, Chief of Staff ng City Mayor’s Office ng City Government of Davao ang pamimigay ng cash assistance sa mga naging biktima ng ng pambobomba sa Roxas Night Market. Matatandaan ng inaprubahan ng City Council ang pondong hinihingi ni Mayor Sara Duterte kamakailan upang magamit sa mga naging biktima ng nasabing pagsabog. Binisita rin nila ang labi ni SPO1 Jay Adremesin na isa sa mga namatay at binigyan ng pera […]
Provincial News
Bomb-making materials na nakumpiska sa Cotabato posibleng konektado sa Davao blast
DAVAO City (Eagle News) – Nahuli ng Philippine National Police-Cotabato ang isang “Omar Dungguan” sa Maunlad, Barangay Dungguan, M’lang, Cotabato. Ayon kay Police Supt. Emmanuel Peralta, nakumpiska kay Dungguan ang materyales sa paggawa ng bomba ganoon din ang diagram sa pag-gawa ng Improvised Explosive Device (IED). Napag-alaman na target ng nasabing operasyon ang isang “Anwar Sandigan”, isang bomb-maker ngunit nakatakas umano ang suspek matapos malaman nito ang naging operasyon. Ayon sa intelligence report ng awtoridad, ang mga improvised […]
Mga pulis at sundalo sama-samang nagsagawa ng clean up at rehabilition sa Tandag City Sports Complex
TANDAG City, Surigao del Sur (Eagle News) – Napasabak sa matinding clean-up at rehabilitasyon ng Tandag City Sports Complex ang mga personnel ng Tandag City Police Station at ang ilang mga sundalo ng 402nd Brigade Philippine Army. Ito ay matapos na magsibalik sa kanilang mga tahanan ang mga lumad sa Mararag. Ang City Sports Complex ay mahigit isang taon na ginawang pansamantalang tirahan ng mga Lumad matapos mapatay ang tatlo nilang kasama ng mga hindi pa nakikilalang […]
Paggunita sa #ArawNgKatapatan2016, isinagawa ng mga kaanib sa INC sa lalawigan ng Quezon North
REAL, Quezon (Eagle News) — Bilang paggunita sa ika-pitong taon na matagumpay na Pamamahala sa Iglesia Ni Cristo ni Bro. Eduardo V. Manalo, masayang nagsagawa ng “Fun Run” activity ang mga kaanib nito mula sa distrito ng Quezon North. Pinagunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng nasabing distrito. Mahigit tatlong kilometro ang tinakbo ng lahat ng nakipagkaisa mula sa starting line nito hanggang sa finish line. Pagkatapos ng fun run ay nagsagawa rin sila […]
Pagiging alerto kontra-terorismo pinaigting ng kapulisan at kasundaluhan sa Carrascal, Surigao del Sur
CARRASCAL, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng joint full alert checkpoint ang mga pulis at sundalo sa mga dumaraang pambribado at pampublikong mga sasakyan partikular na sa National Highway, Brgy. Bon-ot, Carrascal, Surigao del Sur. Layunin nito na masugpo at maiwasan ang anumang pangyayaring karahasan at terorismo. Patuloy namang ipinaalala ng mga awtoridad sa publiko na maging mapagmatyag at kaagad na i-report sa kinauukulan ang anumang mga kahina-hinalang indibidwal, bagay at kaganapan. Lalong pinaigting ng kapulisan […]
17 sugatan sa banggaan ng bus at flat truck sa Naga City
TAMBIS, Naga City (Eagle News) — Labimpitong katao ang sugatan matapos ang nangyaring banggaan ng isang Ceres bus at isang flat truck na naglalaman ng mga harina kahapon, Septyembre 6 sa Sitio Barangay Uno ng Tambis, Naga City. Ayon sa mga nakasaksi, habang pababa sa binabaybay na kalsada ang flat truck ay tumilapon ang gulong nito, dahilan upang gumiwang ang takbo at bumangga sa kasalubong nitong pampasaherong Ceres bus na biyaheng Toledo City. Dahil din […]
2 more Abu Sayyaf bandits gunned down in Sulu clash
(Eagle News)– Two more Abu Sayyaf Group (ASG) members were killed on Tuesday (September 6) after a firefight with government troops in Patikul, Sulu. 30 ASG bandits were engaged by troops from 35th Infantry Battalion and 21st Infantry Battalion. The bandits were retreating away from an earlier firefight with the 45th Infantry Battalion when they were cornered by the other two. The clash lasted for half an hour. According to witnesses, two dead ASG rebels […]
Drug surrenderees nakipagkaisa sa isinagawang Fun Run sa President Roxas, Capiz
PRESIDENT ROXAS, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng Philippine National Philippines (PNP) Patrol Plan 2030 at ng 116th Civil Service Commission Anniversary ay isinagawa ang Fun Run sa municipal public plaza ng President Roxas, Capiz. Nilahukan ito ng drug surrenderees at ng iba’t-ibang ahensiya ng Lokal na Pamahalaan. Pinangunahan ang nasabing aktibidad ni Municipal Mayor Receliste Escolin kasama ang mga barangay kapitan ng President Roxas. Nakipagkaisa rin ang mga empleyado ng ahensiya ng lokal na Pamahalaan, mga […]
Isang unibersidad sa Davao City nakatanggap ng bomb threat, mga estudyante pinauwi
DAVAO City (Eagle News) – Isang bomb threat ang natanggap ng University of South Eastern Philippines (USEP) sa Brgy. Obrero lungsod ng Davao. Kaya pinauwi ang lahat ng estudyante sa naturang paaralan. Hindi rin pinayagan na makapasok ang media sa loob ng Unibersidad. Sa ilang nakapanayam na estudyante, pinag-utos umano ni Orvil Basug, Head ng Security sa naturang paaralan ang pag-uwi ng maaga ng mga estudyante. Namataan rin na pumasok sa loob ng paaralan ang […]
Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Pamamahayag sa BJMP-Tuguegarao
TUGUEGARAO City, Cagayan (Eagle News) — Matamang nakinig sa pangangaral ng mga Salita ng Diyos ang mga bilanggo sa Tuguegarao Bureau of Jail Management and Penology (BJMP). Ito ay kaugnay ng naging kasunduan sa pagitan ng Iglesia Ni Cristo at Pamunuan ng BJMP na binibigyan ng kalayaan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na mangaral ng Salita ng Diyos maging sa loob ng bilangguan. Ang layunin nito ay maipaabot ang tulong hindi lamang sa materyal na […]
EVM Cup at Unity Games isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan
TUGUEGARAO City, Cagayan (Eagle News) – Napuno ng kasiyahan ang isinagawang EVM Cup at Unity Games ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Cagayan. Isinagawa ito sa Mamba Gymnasium, Tuguegarao City noong Sabado, September 3. Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal na sakop ng Distrito ng Cagayan South. Ang mga palaro naman ay masigla ring nilahukan ng mga kaanib ng INC na […]
Search for “Guwapong Lolo at Gandang Lola” isinagawa sa Cainta, Rizal
CAINTA, Rizal (Eagle News) — Bilang pagpupugay sa mga lolo at lola at pagtanaw ng utang na loob sa kanila ay nagsagawa ng “2nd year celebration search for Guwapong Lolo at Gandang Lola” ang Barangay Sto. Domingo sa bayan ng Cainta, Rizal. Ang masayang aktibidad ng Senior Citizens Day na ito ay pinangunahan nina Cainta Mayor Kit Nieto, Vice Mayor Pia Velasco at Chairwoman Janice Tacsagon kasama ang kanyang mga kagawad ng barangay. Pinagkalooban din ni […]