Provincial News

SCAN International sa Taiwan nagsagawa ng Blood Donation

Eagle News – Nagsagawa ng blood donation activity sa Taiwan ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na miyembro ng SCAN International noong Linggo, August 21 sa Taouyen Blood Center na matatagpuan sa Chungli Taouyen, Taiwan. Pinangunahan ito ni Bro. Elmer J. Parungao, District Supervising Minister ng Taiwan. Mahigit sa 100 na mga kaanib sa SCAN kasama na ang iba pang mga kaanib  ng Iglesia Ni Cristo ang nag-donate ng dugo. Mahigit sa 40 bags  ang naipon sa nasabing aktibidad. […]

Mga empleyado ng City Hall Davao, binawalan ng maglaro ng Pokemon Go

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Nagpalabas ng memorandum sa buong gusali ng City Hall si Atty. Zuleika T. Lopez, City Administrator, na nagbabawal sa lahat ng mga empleyado ng City Hall sa paglalaro ng popular na Role Playing Games (RPG) Pokemon Go, Dota at iba pang mobile application na mga laro. Ayon kay Lopez, bagama’t may libreng Wi-Fi na ang buong gusali, ngunit pinapayagan lamang umano ang mga empleyado na maka-access sa mga websites na […]

Pagbubuntis ni Mayor Sara Duterte, inspirasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Ipinaliwang ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya makadadalo sa halos lahat ng aktibidad ng Kadayawan. Ang dahilan umano nito ay  siya’y pitong linggong buntis na at ito ay triplets pa. Ayon kay Mayor Sara Duterte, bagama’t nahihirapan siya sa kaniyang pagbubuntis, hindi umano siya mag-le-leave bilang City Mayor ng Davao at patuloy na aasikasuhin ang kaniyang mga obligasyon sa lungsod hangga’t pinapayagan umano siya ng kaniyang mga doctor. […]

KADIWA Acoustic Sessions isinagawa ng Distrito ng Quezon City

QUEZON City, Philippines — Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo mula sa kapisanan ng Kabataang may Diwang Wagas (KADIWA) ang aktibidad na Acoustic Sessions na kinapapalooban ng acoustic music na punong-puno ng christian values. Ito ay ginanap sa UP Alumni Center noong Linggo na nilahukan ng iba’t-ibang lokal sa Distrito ng Quezon City na pinangunahan ng Tagapangasiwa ng Distrito na si Kapatid na Arnel T. Verceles. Ang aktibidad ay sinimulan […]

Quezon Day, ipinagdiriwang sa Baler, Aurora

BALER, Aurora (Eagle News) – Ipinagdiriwang ngayong araw sa Bayan ng Baler, Aurora ang Quezon day. Bahagi ng mga aktibidad ay ang parade na kung saan ay itinatampok ang mga nagsipagwagi sa iba’t ibang mga patimpalak na isinagawa nitong mga nakaraang araw. Kasama rin sa nasabing parade ang nagwaging Miss Baler. Isinagawa rin ang Street Dancing Competition na ang lumahok ay mula sa iba’t mga barangay ng nasabing lungsod. Kapansin-pansin ding dumagsa ang maraming mga […]

Public Market ng San Jose, Palawan tinupok ng apoy

SAN JOSE, Palawan (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang New Public Market sa San Jose, Palawan. Ayon sa mga saksi nagsimula di-umano ang sunog pasado 12:00 ng madaling araw. Dahil sa matagal na pagresponde ng mga bumbero ay mabilis na kumalat ang apoy at tinupok ang malaking bahagi ng palengke. Kasama sa mga tinupok ang gulayan, prutasan, bigasan at mga daingan. Tinatayang malaking halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy dahil sa ang palengke ang bagsakan […]

Medical at dental mission sa San Jose, Occidental Mindoro matagumpay na naisagawa

SAN JOSE, Occidental Mindoro (Eagle News) – Matagumpay na naisagawa ang medical at dental mission sa Barangay Camburay Covered Court sa Bayan ng San Jose, Occidental Mindoro. Ang nasabing programa ay may temang “All for Health Towards Health for All” isa ito sa mga health agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na pinangunahan ni Dr. Enid Asuncion at Dr. Lawrence Cyril Vitaz kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay para sa lahat ng […]

Produksyon ng bulaklak, gulay at strawberry sa Benguet, apektado dahil sa Habagat

Benguet, Philippines –Maging ang produksiyon ng mga bulaklak sa Benguet ay naapektuhan dahil sa mga nararanasang pag-ulan sa Cordillera Region. Ayon kay Estrella Dumas, Presidente ng cutflower vendors sa Harrison Road, Baguio City, nabawasan ang suplay ng mga bulaklak mula pa noong nakaraang linggo. Sinabi ni dumas na mas marami pa rin ang mga bulaklak na hindi masyadong bumuka dahil sa epekto ng habagat kaysa sa mga dekalidad na bulaklak na naitanim sa green houses. […]

200 “Trisikad’ nadakip sa Davao City

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Umabot na sa 200 pedicab at tricycles ang nadakip ng mga tauhan ng Davao City Transport and Traffic Management Office sa lungsod ng Davao noong Miyerkules, August 18, 2016. Ito ay pinangunahan ni Senior Supt. Rhodelio V. Poliquit, sa Central Business District ng Davao na nag-umpisa nitong Agosto 15. Ang nasabing operasyon ay isinagawa bilang pagpapatupad ng City Ordinance 52 at Republic Act 4136 legislation na naghahanap upang i-ban ang mga […]

Marijuana plantation, natagpuan sa Bayan ng Balamban, Cebu

BALAMBAN, Cebu (Eagle News) – Isang marijuana plantation ang natagpuan sa Bayan ng Balamban, Cebu. Ang nasabing plantation ay may 10,000 puno na bagong tanim pa lamang. Pinagbubunot ang mga nasabing puno ng marijuana ng mga tauhan ng Public Safety Company ng Philippine National Police na pinangunahan ni PCI Joeson Parallag noong Miyerkules ng umaga, August 17,. Nasa gitna ng mga kakahuyan ang nasabing marijuana plantation kaya hindi ito kaagad mapapansin. Subalit nakatanggap ng impormasyon ang […]

Art exhibit tribute para kay Pangulong Rodrigo Duterte ng 19 na artist

DAVAO City, Philippines (Eagle News) – Nagsagawa ng Kadayawan 2016 Art Exhibit na may temang “Sining para sa Pagbabago” (Art for Change) ang 19 na artists na mula sa Davao at ilang mga partisipante mula sa iba’t-ibang lugar. Ang group art exhibit na ito ay matatagpuan sa isang mall sa Ecoland, Matina Davao City at magtatagal ang kanialng exhibit ng isang linggo. Makikita dito ang mga drawings, paintings at sculpture pieces ng 19 na artists na kalahok. […]

Drop-in center ng Meycauayan, para sa mga batang street children, binuksan na

MEYCAUAYAN City, Bulacan (Eagle News) – Sa pagsisikap ng bagong Puno ng Lungsod ng Meycauayan,  Atty. Henry R. Villarica ay nabuksan na ang Drop-In Center na proyekto ng CSWDO mula pa noong 2012 para sa mga batang napupulot at street children. Nagkaroon ng Soft Opening noong Agosto 10, 2016.  Isang malaking tagumpay sa loob pa lamang ng unang buwan niya sa panunungkulan ay nagawan na ito ng isang mabilis na pamamaraan at solusyon upang ito […]