MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Pinasimulan na ni Marilao, Bulacan Mayor Tito Santiago ang repacking at distribusyon ng relief goods para sa mga apektadong residente ng nasabing bayan dulot ng patuloy na pag-ulang nararanasan. Lalo na aniya sa mga lugar na binaha dulot ng patuloy na pag-ulan. Courtesy: Maine Amper
Provincial News
Ilang residente sa Ilocos Sur pansamantalang lumikas muna sa mga evacuation center dahil sa patuloy na pag-ulan
ILOCOS Sur (Eagle News) – Dahil sa epekto ng Habagat maghapon at magdamag na nakaranas ng mga pag-ulan sa buong probinsya ng Ilocos Sur nagdulot ito ng pagtaas ng tubig sa ilang mga barangay at pagkasira ng sea wall sa Barangay San Pedro sa Bayan ng Narvacan. Bagamat naglagay ang mga residente ng mga sand bag para protektahan ang kanilang mga bahay tinangay lamang ito ng malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan. Inabisuan na rin ang mga residente na […]
Panibagong landslide sa Bontoc, Mountain Province
BONTOC, Mountain Province — Dahil sa walang tigil na pag-ulan, nagkaroon na naman ng landslide sa bahagi ng Alab hanggang Gonogon section sa Bontoc, Mountain Province. Sa ngayon, sarado ang nasabing section ng Bontoc at asahang matatagalan ang pagbu-bukas dahil sa laki ng slide. Inaabangan pa ang heavy equipment mula sa Department of Public Works and Highways para isagawa ang clearing operation. Wala namang nai-ulat na nasaktan sa insidente.
MDRRMO-Daet, tatanggap ng Gawad Kalasag award; 15-day training para sa calamity preparedness sinimulan na
Daet, Camarines Norte – Sinimulan na nitong Agosto 15, 2016 ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) dito ang 15 araw na training para sa mga miyembro nito bilang paghahanda sa sa anumang kalamidad, partikular sa inaasahang La Niña sa mga susunod na buwan. Ito ay ginaganap sa Kalinangan Center sa Barangay Calasgasan dito sa Daet. Ayon kay MDRRMO Head Santi Mella, bahagi lamang ito ng kanilang tuloy-tuloy na pagsasanay upang matiyak na sapat ang kakayanan at kaalaman […]
Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Real, Quezon muling nagsagawa ng paglilinis sa dalampasigan
REAL, Quezon (Eagle News) – Matapos isagawa ang paglilinis sa Kinanliman River ay muling nagsagawa ng “Clean-up Drive” sa tabing-dagat ng Brgy. Kinalumbakan ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Real, Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias Hipolito, District Supervising Minister ng Distrito ng Quezon North. Sumama din sa aktibidad ang mga ministro at ang kanilang maybahay at mga anak. Layunin ng aktibidad na lalong mapaganda at maging malinis ang mga dalampasigan upang pakinabangan […]
1,500 na pamilya sa Rodriguez, Rizal pansamantalang inilikas dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan
RODRIGUEZ, Rizal (Eagle News) – Umabot na sa halos 1,500 na pamilya na nakatira sa gilid ng ilog at mabababang lugar ang lumikas sa iba’t ibang Evacuation Center dahil sa pagtaas ng level ng tubig sa ilog dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Rodriguez, Rizal. Ang mga pamilyang inilikas ay pansamantalang tumutuloy sa sumusunod na Evacuation Center; Eulogio Elementary School – 450 Pamilya Brgy. Manggahan Covered Court – 100 Pamilya Brgy. Balite – […]
Clean-up Drive, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. Sumabnit, Binalonan, Pangasinan
BINALONAN, Pangasinan (Eagle News) – Masungit man ang panahon na nagsimula pa nitong mga nagdaang araw ay hindi ito inalintana ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lokal ng Sumabnit, Distrito ng Pangasinan East maisagawa lamang ang Clean-Up Drive bilang bahagi ng pagdiriwang sa ikalawang taong anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang lokal. Kahit na umuulan, nagkaisa pa rin ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa nasabing lugar upang linisin ang Sitio Riverview, Barangay Sumabnit, […]
Iglesia ni Cristo nagsagawa ng “Welcome Kapatid Ko” sa Pulilan, Bulacan
PULILAN, Bulacan (Eagle News) – Nagsagawa ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ng Welcome Kapatid Ko sa lokal ng Sto. Cristo, Distrito ng Bulacan North. Sa nasabing aktibidad ay ipinadama ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang kanilang mainit na pagtangap sa mga bago pa lamang na nagpasyang umanib sa Iglesia. Nagkaroon sila ng programa na ang iba ay nagpakita ng angking galing sa pag-awit. Nagkaroon din ng parlor games para sa mga inanyayahang panauhin. Namahagi rin […]
Check out where classes are canceled on August 16, Tuesday – Updated 10:09 a.m.
Check out where classes are canceled on August 16, Tuesday. Updated 10:09 a.m., Aug. 16, 2016 All levels Navotas Valenzuela City Obando, Bulacan Guiguinto, Bulacan Hagonoy, Bulacan Bustos, Bulacan Bulakan, Bulacan Calumpit, Bulacan Meycauayan, Bulacan Bocaue, Bulacan Paombong, Bulacan Pulilan, Bulacan Calasiao, Pangasinan Malolos, Bulacan Marilao, Bulacan Plaridel, Bulacan San Miguel, Bulacan San Ildefonso, Bulacan San Jose del Monte, Bulacan Sta. Maria, Bulacan Abra Tarlac City Victoria, Tarlac Pura, Tarlac Capas, Tarlac Concepcion, Tarlac La Paz, Tarlac Pura, […]
Tree Planting isinagawa sa Tala Watershed sa Orani, Bataan
ORANI, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na idinaos ang Tree Planting ng Orani Water District sa loob ng Bataan National Park sa Kinahigan, Tala, Orani, Bataan. Ito ay taunang Watershed Reforestation Project na nagsimula noong taong 2012 na kung saan kada taon ay nagtatanim sila ng 10,000 seedlings ng Tibig Trees sa Tala Watershed Area. Hindi naging hadlang ang masungit na panahon para sa mga volunteers mula sa Philippine National Police, Philippine Army, Local Government Officials, Owdee Coop, […]
Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo nagsagawa ng Clean Up Drive sa Kinanliman River sa Real, Quezon
REAL, Quezon (Eagle News) – “Giyera Laban Sa Basura”, ito ang naging tema ng isang malakas at nagkakaisang pagkilos na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa paglilinis ng Kinanliman River sa Real, Quezon. Sumama rin ang halos lahat ng Departamento ng Gobyerno sa nasabing bayan. Ang nasabing “Clean Up Drive” ay pinangunahan ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North. Nakipagkaisa rin ang mga Ministro at maraming miyembro ng INC. Sumama rin sa […]
Pangulong Duterte nagbigay ng dagdag na P2 milyon kay Hidilyn Diaz
DAVAO City, Philipines (Eagle News) – Nagbigay ng karagdagang P2 milyon si Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz sa kanyang pagkapanalo sa 2016 Rio Olympics. Ito ay naganap sa loob ng Malacanang of the South, DPWH Depot, Panacan, Davao City nitong Huwebes ng gabi, August 11, 2016. Dumating si Diaz Huwebes ng gabi at agad nakipagkita kay Pangulong Duterte dito sa Davao. Inaasahan naman ni Diaz na makakauwi na sa kanyang bayan ngayong […]