Provincial News

Cebu City Mayor Osmeña inalisan na ni Pangulong Duterte ng police power

CEBU City, Cebu (Eagle News) – Inalisan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng police power ang alkalde ng Cebu City na si Tomas “Tommy” Osmeña.  Inilipat na sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang direktang pagmamando ng pulisya ng Cebu City matapos na hindi pinagbigyan ang hiling ng alkalde na huwag nang palitan ang hepe ng pulisya sa Cebu City. Dahil sa malawakang kampanya ng kasalukuyang administrasyon kontra sa kriminalidad at pagsugpo sa talamak na bentahan ng droga sa Cebu […]

PNP Chief Ronald Dela Rosa dumalaw sa PRO 11 Davao

DAVAO City (Eagle News) – Dinalaw ni PNP Chief Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa ang Police Regional Office 11 sa Quintin Merecido, Davao City. Sa kaniyang isinagawang pagdalaw ay pumirma siya sa isang Memorandum of Agreement sa Rotary Club ng Downtown Davao at nakipag-pulong din sa mga opisyales ng Police Regional Officers (PRO) 11. Sinundan ito ng awarding para sa mga personahe ng Philippine National Police (PNP) uniformed at non-uniformed na naging qualified […]

Isa na namang Barangay Chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Samal Island, pinasinayaan

SAMAL Island, Davao del Norte (Eagle News) — Isa na namang barangay chapel ang pinasinayaan ng Iglesia Ni Cristo sa Brgy. San Isidro, Babak District, Samal Island, Davao del Norte na pinangunahan ni Bro. Bever O. Bauto, District Supervising Minister ng Davao West District. Maraming mga kaanib ng INC at mga panauhin ang dumayo sa nasabing lugar upang saksihan ang pagpapasinaya ng bagong kapilya. Maaga pa lamang ay dumating na sila sa nasabing dako upang dumalo […]

Dalawang Pulis at isang Barangay Chairman sa Rizal, ginawarang ng pagkilala ni PNP Chief Dela Rosa

BIÑAN City, Laguna (Eagle News) — Bilang pagtalima sa programa ng Philippine National Police  laban sa illegal na droga ay tumanggap ng Gawad Pagkilala sina Rizal Provincial Director Senior Supt. Adriano Enong at  Taytay MPS Supt. Samuel Delorino dahil sa dami ng sumuko sa kanila na mga drug users at drug pusher. Ipinagkaloob sa kanila ang nasabing pagkilala kasabay ng okasyong “Ako at Pulisya laban sa Illegal na Droga”. Ginanap ito sa Alonte Sport Arena sa Biñan City, Laguna. Kasamang […]

Linis-Barangay, isinagawa ng mga Iglesia Ni Cristo sa Sto. Tomas, Pangasinan

STO. TOMAS, Pangasinan (Eagle News) — Nagsagawa ng “Linis-Barangay” ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Barangay Sto Niño sa bayan ng Sto. Tomas lalawigan ng Pangasinan. Layunin ng nasabing aktibidad na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at upang makaiwas sa pagkakasakit ang mga residente nito. Nagtulong-tulong ang mga kaanib ng INC upang linisin ang nasabing barangay para imaiwasan ang pagkakasakit na maaring ibunga ng maruming paligid. Dala ang kani-kanilang mga […]

Red tide sa Samar, lumawak pa

DARAM ISLAND, Samar (Eagle News) — Umabot na sa Daram Island, Samar ang red tide habang apektado parin nito sa anim na baybayin sa eastern Visayas. Sa advisory ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lagpas na sa regulatory limit ang toxins ng tubig sa daram island at hindi na ligtas kainin ang shellfish at alamang mula rito. Samantala, nakataas pa rin ang red tide alerts sa Cambatutay Bay, Irong-Irong Bay, Maqueda Bay, Villareal […]

Mayor Janihim ng Kalawit, Zamboanga del Norte pinabulaan na protektor siya sa mga nagtutulak ng illegal na droga

KALAWIT, Zamboanga del Norte (Eagle News) – Nagpatawag ng press conference ang Municipal Mayor sa Kalawit, Zamboanga del Norte na si Mayor Gammar Janihim na kilala rin sa pangalang Haji Belong. Isinagawa sa Provincial Information Office, Zamboanga del Norte Convention Center, Estaka, Dipolog City nasabing press con. Nais aniya ni Mayor Janihim na linisin ang kanyang pangalan sa alegasyon na number 2 siya sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao na protector o involved diumano […]

Tatlong Chief of Police sinibak sa pwesto matapos mapasama sa listahan ang Mayor na kanilang nasasakupan

Eagle News – Agad na ipinag-utos ni Regional Director Chief Supt. Jose Gentiles ng Police Regional Office 6 ang pag-rerelieve sa puwesto ng tatlong hepe ng pulis sa mga bayan na ang alkalde ay kasamang pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dawit sa illegal na droga. Ang tatlong Chief of Police ay sina; Senior Insp. Bonifacio Alabe hepe ng Calinog PNP. Police Insp. Ma. Theresa Lero hepe ng Maasin PNP. Chief Insp. Terence Paul Sta. Ana hepe ng […]

Sumukong drug personalities sa Zamboanga del Norte tinatayang umaabot na sa 10,830

ZAMBOANGA del Norte, Philippines (Eagle News) – Tinatayang umabot na sa 10,830 ang kabuuang surrenderees sa buong probinsiya ng Zamboanga del Norte. Ito ang opisyal na naitala hanggang noong Martes, August 9. Ito ang kinumpirma ni Police Superintendent Kiram I. Jimlani, Deputy Provincial Director for Operation. Ayon kay PSupt. Jimlani mayroon ng 10,523 users at 307 pushers ang sumuko mula ng pinaigting ni Pangulong Rogrigo Dueterte ang kampanya ukol sa illegal na droga. Tiniyak naman ni Police Senior […]

Isang may kapansanan sa pag-iisip, nagsauli ng bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P165,000.00 sa Tayug, Pangasinan

Tayug, Pangasinan – Isang  may kapansanan sa pag-iisip na may mabuting kalooban ang nagsauli ng isang bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P 165,000.00 sa mga awtoridad ng Tayug, Pangasinan. Siya ay si Ginang Lozano, isa ring  mangangalakal at residente sa nasabing lalawigan. Napulot aniya ni Lozano ang bag sa may basurahan ng palengke. Hindi aniya siya nagdalawang isip na ibigay ito sa kinauukulan dahil hindi raw sa kanya ang perang kanyang napulot. Sinamahan naman […]