Provincial News

Babala ng LTFRB, Bohol sa mga motorista na naglalaro ng “Pokemon Go”  

  Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa mga motoristang nahilig na rin sa paglalaro ng bagong game na Pokemon Go. Sa official twitter account post ng ahensya, idinidiin ng LTFRB na mahigpit na ipinagbabawal sa mga motorista ang maglaro ng Pokemon Go habang nagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada. Ang “Pokemon Go” ang pinakabagong location-based augmented reality mobile game na kinagigiliwan na ngayon pati na ng mga pilipino. […]

KBP nagsagawa ng tree planting activity sa Nueva Ecija

Nagsagawa ng pagtatanim ng puno ang mga miyembro ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP). Nagsimula ang parada ng mga kalahok sa Freedom Park Burgos Avenue, Cabanatuan City patungo sa National Greening Project site sa Fort Magsaysay, Palayan City kung saan 4,000 puno ang naitanim. Kung dati ay mikropono, ball pen, camera, tablet, lap top ang dala ng mga broadcaster sa pagkakataong ito ang dala nila ay mga seedlings na itinanim upang makatulong sa kalikasan. […]

Ilang bahagi ng Jaen, Nueva Ecija mawawalan ng suplay ng kuryente

JAEN, Nueva Ecija Mahigit siyam na oras na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Jaen, Nueva Ecija bukas Agosto 10 at sa susunod na Miyerkules, Agosto 17. Batay sa anunsyo ng Nueva Ecija 1 Electric Cooperative o NEECO 1, ang power interruption ay magsisimula ng 8:30 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi. Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang: San Vicente, Calabasa, Hilera, Pakul, Lambakin, Pamacpacan, Sta Rita, Marawa at Imbunia. Ito […]

Fun run isinagawa sa Capiz, drug surrenderees kasamang nakipag-kaisa

ROXAS, Capiz (Eagle News) – Kaugnay ng PHilippine NAtional Police Patrol Plan 2030 at ng programang STOP o “Support the Transformation and Operation of the Police” ay isinagawa ang FUN RUN 2016 sa Pres. Roxas Capiz na nilahukan ng 2,500 katao, kasama ang mga drug surrenderees. Pinangunahan ito ni Municipal Mayor Receliste Escolin kasama ng mga kapitan ng 22 barangay ng Pres. Roxas, ng mga ahensiya ng lokal na pamahalaan, estudyante mula sa iba’t-ibang paaralan at ng […]

Eco-Farming Project ng Iglesia Ni Cristo sa Camarines Norte, nagsagawa ng tree planting activity

PARACLE, Camarines Norte (Eagle News) – Nagsagawa ng tree planting ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Eco-Farming Project nito sa Brgy. Bakal, Paracale, Camarines Norte noong sabado, Agosto 6. Ang nasabing aktibidad ay bilang pagtugon sa Greening Project ng pamahalaan na pinangungunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Nilahukan ito ng mga kaanib ng INC mula sa iba’t-ibang lokal ng Camarines Norte na pinangunahan ni District Supervising Minister Bro. Roel O. Castillo. […]

Kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Quezon province nagsagawa ng clean-up drive

REAL, Quezon (Eagle News) – Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa hilagang bahagi ng Quezon province ay hindi nagsasawa sa pagsasagawa ng paglilinis sa kapaligiran. Nito lamang nakaraang Sabado, August 6 ay muli nilang ipinakita ang kanilang pagkakaisa sa pamamagitan ng clean-up drive. Isinagawa nila ito sa Brgy. Poblacion 1, Real , Quezon. Pinangunahan ito ni Bro. Isaias A. Hipolito, District Supervising Minister ng Quezon North. Maraming mga kaanib ng INC ang nakilahok sa nasabing […]

Photo exhibit ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, inilunsad

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News) – Kaugnay ng pagdiriwang ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa unang Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley ay isinagawa nila ang photo exhibit sa isang malaking mall na matatagpuan sa Nabunturan, Compostela Valley Province. Sinimulan ang aktibidad sa pamamagitan ng ribbon cutting na pinangunahan ni Bro. Phil L. Campos, Sr, District Suppervising Minister ng Compostela Valley. Ang nasabing photo exhibit ay hindi lamang para sa mga miyembro ng […]

Ceremonial burning ng mga nakumpiskang marijuana, isinagawa sa Kiblawan, Davao del Sur

KIBLAWAN, Davao del Sur (Eagle News). Lumahok nitong Huwebes, August 4 sa isinagawang Ceremonial Burning ang mga tauhan ng Kiblawan Municipal Police Station sa pangunguna ni PCI Rey O. Santillan, kasama din ang mga tauhan ng Davao Sur Police Provincial Office (DSPPO) sa pangunguna naman ni PSupt. Antonio Rotol, at mga opisyales ng City Hall ng Kiblawan. Ang mga nasabing marihuan ay binunot ng mga awtoridad sa dalawang pangunahing operasyon nito sa Sitio Bongsbang, Brgy. Kimlawin, Kiblawan, […]

Drug test sa mga lokal na empleyado ng San Francisco, Quezon, isinagawa

SAN FRANCISCO, Quezon (Eagle News) – Pinangunahan ni San Francisco Mayor Joselito Alega, Jr. ang drug testing sa mga empleyado ng Local  Government Unit (LGU) sa Bayan ng San Francisco, Quezon. Pagkatapos ng kanilang Flag Raising Ceremony ay agad nagtungo sa Municipal Building upang isagawa ang nasabing aktibidad. May 135 empleyado ang boluntaryong nagpa-drug test. Naroon din sa nasabing aktibidad ang Field Officer ng Department of Interior and Local Government (DILG ) na si Waren […]

Mga kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Mariduque nagsagawa ng “Welcome Kapatid Ko”

CAGANHAO, Marinduque (Eagle News) — Nagsagawa ng “Welcome Kapatid Ko” ang mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Caganhao, Marinduque. Layunin ng ganitong aktibidad na lalo pang sumigla ang mga taong umaanib pa lamang sa INC o mga kasalukuyang dinudoktrinahan at sinusubok. Marami ang dumalo na nangakong magpapatuloy sa pakikinig at panayang dadalo sa mga pagsamba. Pinangunahan ito ng mga ministro ng INC na sina Bro. Noel Angeles, Bro. Carlos Garcia at Bro. Renante Oliver. […]

Clearing operation sa mga nagtitinda sa bangketa ng Mariveles, Bataan, pinangunahan ng pamunuan ng pamilihang bayan

MARIVELES, Bataan (Eagle News) — Nagsagawa ng Clearing Operation ang pamunuan ng pamilihang Bayan ng Mariveles, Bataan sa lahat ng nagtitinda sa bangketa sa palibot ng palengke at maging ang mga nagtitinda sa pasilyo nito. Kasama na rin ang lahat ng may pwesto na naglagay ng extension dahil wala na halos madaanan ang mga mamimili. Nagkalat na rin ang mga illegal vendors tulad ng nagtitinda ng gulay sa Meat at Fish Section, ganoon na rin ang […]