Provincial News

Bagong Gusali ng Ormoc City Crime Laboratory Office, pinasinayaan na

ORMOC City, Leyte (Eagle News). Pinangunahan ni Mayor Richard I. Gomez ang isinagawang pagpapasinaya o inauguration ceremony ng bagong gusali ng Ormoc City Crime Laboratory Office noong Huwebes, August 4, 2016 na matatagpuan sa Camp Downes, Ormoc City, Leyte. Isa sa mga Panauhing Pandangal ng nasabing okasyon ay si Eastern Visayas (Region 8) PNP Director Chief Supt. Elmer Beltejar na siya ring nag-unveil ng marker ng gusali at nanguna sa Ribbon Cutting Ceremony. Kinikilala ng Ormoc […]

Iglesia Ni Cristo, nagsagawa ng Lingap-Pamamahayag kahit sa mga liblib na Barangay sa Aklan

MADALAG, Aklan (Eagle News) —  Ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay wala pilipiling dako para tumulong sa ating mga kababayan. Katunayan kahit sa isang liblib na bahagi sa lalawigan ng Aklan ay nagsagawa sila ng Lingap-Pamamahayag. Isinagawa ito sa Barangay Catabana, Madalag, Aklan. Bagamat biglang bumuhos ang ulan dulot ng Bagyong Carina ay dinaluhan pa rin ng maraming kaanib sa INC kasama ng kanilang inanyayahang mga panauhin ang nasabing aktibidad. Ang pinangunahan ni Bro. Manuel A. […]

Davao ‘Night Market’, pinatitigil ni Mayor Sarah Duterte-Carpio dahil sa paglabag ng policy

DAVAO City, Philippines (Eagle News) — Ipinatitigil na ni Mayor Sarah Duterte-Carpio ang Night Market sa Davao City matapos umanong makita ang maraming paglabag sa ordinansa ng siyudad ng daan-daan vendors. Tinatayang nasa mahigit sa 700 vendors ang apektado ng kautusan ng Alkalde na sisimulan ngayon araw ng Huwebes, August 4 sa kahabaan ng Roxas Avenue. Ito ay base na rin sa rekomendasyon ng City Traffic and Transport Management Office sa ilalim ng hepe nitong […]

SCAN International pinangunahan ang isinagawang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios ng Iglesia Ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan

URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) — Sa kauna-unahang pagkakataon sa lalawigan ng Pangasinan, Distrito ng Pangasinan East, isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang Pamamahayag ng mga Salita ng Dios sa isang mall sa Urdaneta City, Pangasinan. Pinangunahan ito ng mga opisyales ng Society of  Communicators and Networkers (SCAN) International. Ang nagturo naman sa nasabing pamamaahayag ay si Bro. Ignacio Garcia, Jr. Bahagi ng isinagawang paghahanda ng nasabing aktibidad ay namahagi sila ng mga polyeto […]

Unang batch ng mga sumailalim sa ALS program sa Olongapo, Zambales nagtapos na

OLONGAPO City, Zambales (Eagle News). Naging matagumpay ang kauna-unahang pagtatapos ng mga sumailalim sa Programang Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education at ng New Era University sa Olongapo City. Isinagawa ang graduation sa FMA Hall, Olongapo City. Nasa 51 mga mag-aaral ang nagsipagtapos, 2 nito ay sa Elementarya at 49 naman ang sa High School. Isa sa mga nagsipagtapos ay ang 74 taong gulang na maitutring pinakamatanda sa batch ng mga nagsipagtapos. Layunin ng […]

Coastal Clean-Up, isinagawa sa pangunguna ng Palawan Bantay Turista

PALAWAN, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng coastal clean-up ang Palawan Bantay Turista Office sa Port Barton, San Vicente na ginanap noong Hulyo taong kasalukuyan. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, (PDRRMO), Palawan Rescue 165 at ng komunidad nito. Layunin ng ganitong programa na makatulong sa mga residente ng Port Barton na mapangalagaan at mapanatiling malinis ang kanilang baybaying-dagat. Gayundin, upang lalong mahikayat ang bawat isa na ipagpatuloy ang regular na pagsasagawa ng coastal clean-up drive […]

Malalaking fish pen sa Laguna lake pinabubuwag ng DENR

LAGUNA (Eagle News) — Pinabubuwag ni Environment and National Resources Secretary Gina Lopez ang mga malalaking fish pens na umuukupa sa Laguna lake. Sinabi ni Lopez na ilan sa mga nasabing fish pens ay hindi naman pag-aari ng mga mangingisda kundi ng mga malalaking korporasyon bagamat wala naman itong tinukoy na kumpanya. Batay sa data ng Laguna Lake Development Authority o LLDA, 14,000 ektarya mula sa 100 ektarya ng lake ang inuukupa ng fish pens. […]

Kapulisan sa Tandag City, Surigao del Sur, pinangunahan ang Blood-Letting Activity

TANDAG City, Surigao del Sur (Eagle News) —  Nagsagawa ang kapulisan sa Tandag City, Surigao del Sur sa pangunguna ni Officer In Charge PSUPT Arvin B. Montenegro ng Simultaneous Blood-Letting Activity na idinaos na may kaugnayan pa rin sa ipinagdiriwang nila ngayong 21st Police Relations Month. Ang nasabing aktibidad ay matagumpay na naisagawa sa tulong na rin ng Rotary Club at Red Cross. (Eagle News Dennis Ravelo – Tandag City, Surigao del Sur Correspondent)

Mga kapulisan namahagi ng babasahin kontra iligal na droga

Eagle News — Namahagi ang mga kapulisan sa bayan ng Carmen, Surigao del Sur ng babasahin para sa kampanya kontra iligal na droga sa mga Senior High School Students sa nabanggit na bayan. Ang aktibidad na ito ay bahagi pa rin ng massive campaign against illegal drugs. (Eagle News Dennis Ravelo -Mula dito sa Tandag City Correspondent)

Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa Compostela Valley, matagumpay na naisagawa

COMPOSTELA Valley, Philippines (Eagle News). Mahigit 1,500 ang dumalo na mga bisita at mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa isinagawang Lingap-Pamamahayag noong Lunes, August 1, 2016 na ginanap sa Montevista Gymnasium, Montevista, Compostela Valley Province. Ito ay bilang paunang aktibidad sa pagdiriwang ng unang taong Anibersaryo ng pagkakatatag ng Distrito ng Compostela Valley Pasado 2:00 ng hapon ay sinimulan ang Medical Mission para ibahagi sa mga kababayan natin sa nasabing lugar ang libreng Medical Services. Namahagi rin ng […]

Tulong na serbisyo medikal sa mga detainee ng Urdaneta City District Jail, matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo

URDANETA City Pangasinan (Eagle News). Hindi nagpahadlang ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo sa masungit na panahon upang maisakatuparan ang kanilang adhikain na makapagbigay tulong at libreng serbisyo medikal para sa mga detainee ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Anonas, Urdaneta City Pangasinan.  Matagumpay itong naisagawa sa pakikipagtulungan na din ng mga pamunuan ng nasabing piitan sa pangunguna ni Jail Warden Roque Constantino Sison III. Nagbigay ang INC ng mga basic necessities […]