PANGASINAN (Eagle News). Kahit na masungit ang kalagayahn ng panahon, masaya pa ring naisinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) ang “Welcome Kapatid Ko.” Isinagawa ito ng sabay-sabay sa apat na dako tulad ng; Urdaneta Pozorrubio Rosales Tayug Ang nasabing aktibidad ay isang programa ng Iglesia Ni Cristo para sa mga kasalukuyan nilang dinodoktrinahan at sinusubok na nasa proseso para maging kaanib sa INC. Dumalo rin sa […]
Provincial News
“Tangke” lagoon sa Iloilo, pansamantalang isasara sa mga turista
Dalawang buwang isasara sa mga turista ang Tangke lagoon sa Gigantes Island na nasa northern Iloilo. Bukod sa gagawing paglilinis, isa rin itong precautionary measure para sa kaligtasan ng mga turista lalo na at simula na ang panahon ng habagat.
Ilang residente pinalikas dahil sa landslide sa Leon, Iloilo
LEON, Iloilo — Dahil sa tuloy-tuloy at malakas na buhos ng ulan nagkaroon ng mga pagguho ng lupa sa barangay Mali-Ao, sa Leon, Iloilo agad na pinalikas ang mga residente sa lugar lalo na at patuloy pa rin ang mga pag-ulan.
Apat na barangay sa Tambulig, Zaboanga del Sur, isinailalim sa State of Calamity dahil sa matinding pinasala ng pagbaha
PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur (Eagle News) — Isinailalim na sa State of Calamity ang apat na Barangay sa Bayan ng Tambulig, lalawigan ng Zamboanga del Sur ngayong araw ng Lunes, August 1, dahil sa matinding pinsala ng pagbaha dulot ng pag-apaw ng tubig sa Salug River Daku. Base sa ulat ni Ginoong Nilo Munoz, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (Tambulig MDRRMO), ang alkalde aniya ng Tambulig na si Mayor Protacio Aleman ang […]
Masamang lagay ng panahon dahil sa Bagyong Carina, naranasan sa lalawigan ng Mountain Province
Eagle News — Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng ulan na may mahinang hangin sa lalawigan ng Mountain Province na nagsimula pa noong Linggo ng umaga, July 31, 2016 at inaasahan na ito ay magpapatuloy pa dahil sa masamang lagay ng panahon bunga ng Bagyong Carina sa ating bansa. Nakaalerto na ang lahat ng sangay ng Pamahalaan sa pangunguna ng Provincial Derector ng DILG na si Anthony Manolo Ballug inabisuhan na nila lahat ng kanilang sakop lalo na ang DRRMCs at LGU para sa Disaster […]
Pagmamahal sa kalikasan at kapuwa, ipinadama ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon
INFANTA, Quezon (Eagle News) — “Linis Dalampasigan” ang masiglang isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Quezon (Northern Quezon) noong Sabado, July 30, 2016 bilang paggunita sa isinagawang Buwan ng Nutrisyon na itinalaga ng pamahalaan. Isinagawa nila ito sa Brgy. Dinahican Infanta, Quezon na pinagunahan ni Bro. Isaias Hipolito ang District Supervising Minister ng Quezon North kasama ang mga Ministro at pamilya ng mga ito. Masiglang nakipagkaisa ang maraming mga kaanib sa nasabing aktibidad para […]
Umaanib sa Iglesia ni Cristo sa Malolos City Jail, patuloy na nadaragdagan
MALOLOS, Bulacan (Eagle News). Ang pagpapalaganap ng pananampalataya ng Iglesia ni Cristo ay walang pinipiling tao at dako. Kamakailan lamang ay muling nagsagawa ng bautismo ang INC sa mga bagong kaanib nito sa piitan ng Malolos City Jail. Ang nasabing bautismo ay pinangunahan ni Bro. Felix Bautista, Assistant District Supervising Minister ng Distrito ng Bulacan South. Ayon sa mga inmates, ang mga aral na kanilang natanggap na itinuro sa kanila mula pa lamang ng sila […]
Klase sa Pre-school hanggang High School sa Northern Cagayan , suspendido dahil sa bagyong Carina
Eagle News — Idineklara noong linggo, July 31, 2016 ni Gov. Manuel Mamba na walang pasok sa lahat ng antas sa Northern Cagayan habang suspendido ang klase sa Pre School hanggang Senior High School ngayong araw, Lunes, August 1, 2016. Ito ay upang mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa posibleng pagbaha na idulot ng bagyong Carina. May-iiral man na Typhoon Warning Signal ngayong araw o wala ay pinasususpinde ng Gobernador […]
400 siklista sumali sa Fun Bike 2016 sa Nueva Ecija
Eagle News — Pinangunahan ni Major General Angelito De Leon, Commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army ang mga siklista sa 52 kilometrong Fun Bike na tinaguriang “Kaugnay Fun Bike 2016” bilang paggunita sa ika-28 Founding Anniversary ng naturang dibisyon ng Army. Nagsimula ang ruta ng mga siklista sa Fort Magsaysay, naglakbay patungo sa Gen. Tinio, Peñaranda, San Leonardo Diversion Road, Sta. Rosa Bypass Road, Vergarda Highway Bypass Road, Laur-Pag-asa Junction, pagkatapos ay bumalik […]
Oplan Tokhang: 383 drug user at pusher sa San Jose City, Nueva Ecija, nanumpa para sa pagbabagong-buhay
SAN JOSE City, Nueva Ecija (Eagle News). Dinaluhan ni Mayor Mario ‘Kokoy” Salvador ang sabay-sabay na panunumpa ng 383 na sumukong illegal drug users at pushers na nangakong hindi na gagamit ng illegal na droga at magbabagong buhay. Ito ay may kinalaman pa rin sa programang “Oplan Tokhang” na kampanya kontra droga ng Philippine National Police (PNP). Sa mensahe ni Mayor Salavador, kailangan aniyang seryosohin ng mga sumuko ang pagbabagong buhay para sa kanilang sarili, pamilya at bayan, dahil may pag-asa pang naghihintay sa kanila. Naglaan naman ng programang pangkaunlaran at pangkabuhayan ang pamahalang lungsod para sa mga ito gaya ng ‘Cash and Food for Work’ kung saan ang mga nagbabalikloob ay magtratrabaho para sa komunidad at makikiisa sa pangangalaga sa kalikasan para sila’y may pagkakakitaan at pagkaabalahan. Bibigyan din sila ng pagkakataong makapag-aral sa pamamagitan ng TESDA Vocational Training Course. Bubuo rin ng mga organisasyon sa mga barangay na tutulong sa mga dating nalulong sa illegal na droga para malaman kung ano ang kani-kanilang mga pangangailangan upang tuloy-tuloy silang makapagbagong buhay. Nagkaroon din ng drug testing na pinangunahan ng City Health Office. Courtesy: Emil Baltazar – Nueva Ecija Correspondent
Small scale mining sa bansa, tututukan din ng DENR
BAGUIO City, Philippines — Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na hindi lamang ang mga malalaking mining companies ang kanilang tututukan. Ito ang binigyang-diin ni Denr Assistant Secretary Atty. Juan Miguel Cuña sa ginanap na 1st Cordillera Summit 2016 sa lungsod ng Baguio. Sinabi ni Cuña na isasailalim din sa audit ang mga small scale mining upang malaman ang compliance ng mga ito sa tamang paraan ng pagmimina. Ayon sa Mines and […]
Friendly match ng Phil. Azkals vs. Perth Glory, isinagawa sa Ilocos Sur
ILOCOS Sur (Eagle News) — Dinagsa ng libu-libong Ilocano at karatig ng Probinsiya ang Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur, noong Martes ng gabi, July 26. Kung saan ay nasaksihan ang friendly match ng Philippine Azkals laban sa Perth Glory ng Australia, ngunit bigo ang Philippine football team Azkals. Naging dikit ang laban sa first half kung saan walang nakapag-goal sa magkabilang team. Ngunit pagsapit ng ika-67 na minuto ng second half, isang magandang pasa mula sa kaliwa […]