Tuguegarao City, Cagayan – Kasabay ng paggunita sa pagsapit ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanyang 102nd anibersaryo. Pinasinayaan naman ang isa pang barangay chapel sa distrito Eklesiastiko ng Cagayan South kahapon , ika-27 ng Hulyo. Ito ay ang ika-sampung barangay chapel na pinasinayaan sa bagong extension na pinangalanang Pinopoc Extension ng lokal ng Calantac. Bukod nito ay may dalawa pang chapel ang tapos na ring gawin at hinihintay na lamang na mapagtibay ng Pamamahala ng Iglesia […]
Provincial News
Pres. Duterte, bumisita sa Fort Magsaysay
CABANATUAN City, Nueva Ecija (Eagle News). Isang araw matapos ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA), bumisita noong Martes, July 26 si Pangulong Rodrigo R. Duterte sa Fort Magsaysay na tahanan ng ilang yunit ng Philippine Army. Isinagawa ang Command Conference sa mga opisyal ng 7th Infantry Division o 7ID, Special Operations Command, Army Artillery Regiment, Combat Arms Schools Training and Doctrines Command, at Army Aviation Battalion. Ito ay sinundan ng pakikipagugnayan sa may 500 sundalo sa 7ID Covered Court. Sa […]
Medical Mission ng Iglesia ni Cristo sa Barangay Dalupirip, Itogon, Benguet, matagumpay na naisagawa
ITOGON, Benguet (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ng Iglesia Ni Cristo ang Medical Mission sa Barangay Dalupirip, Bayan ng Itogon. May kalayuan man ito ay sinikap ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na makarating sa nasabing dako. Marami sa nasabing Barangay ang nabiyayaan ng serbisyong dental, libreng check-up at libreng gamot. Namahagi rin ng goodie bags sa ating mga kababayan. Ngunit ang pinakatampok sa nasabing aktibidad ay ang pagtuturo ng mga Salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia […]
Lingap-Pamamahayag, isinagawa sa lalawigan ng Aklan bilang paggunita sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo
MALINAO, Aklan (Eagle News) — Kaugnay ng Paggunita ng Iglesia Ni Cristo sa pagsapit sa kaniyang Ika-102 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pilipinas ay matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng mga kaanib nito sa lalawigan ng Aklan. Isinagawa ito sa Barangay Bolabod, Malinao, Aklan. Layunin ng nasabing aktibidad na maitaguyod ang pagsunod sa aral na tulungan ang mahihirap at nangangailangan. Sa kasalukuyan ay itinataguyod nang Iglesia Ni Cristo ang programa nitong “Labanan ang Kahirapan” (Fight against Poverty). Ang […]
“Run to Celebration,” isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa Kanlurang bahagi ng Leyte
Eagle News — Kaugnay sa ika-102 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo ay nagsagawa ang mga kaanib nito sa kanlurang bahagi ng Leyte ng isang aktibidad na tinatawag nilang “Run to Celebration”. Sabay-sabay nila itong isinagawa sa limang dako na sentro ng kanilang mga sub-district na kinabibilangan ng Ormoc City, Baybay City, Isabe, Villaba at Naval. Alas 4:00 ng madaling araw nitong Martes ay nagsipagdatingan na sila sa kani-kanilang mga dako. Bago nila sinimulan ang pagtakbo ng tatlong kilometro ay nagsagawa muna ng […]
KADIWA Meet and Greet, isinagawa ng mga kabataang Iglesia ni Cristo sa Urdaneta City, Pangasinan
URDANETA City, Pangasinan (Eagle News) — Matagumpay na naisagawa ang isang aktibidad ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Pangasinan (Distrito ng Pangasinan East) na tinawag na “KADIWA Meet and Greet”. Dinaluhan ito ng mga Pangulo, Pangalawang Pangulo at Kalihim ng Kapisanang KADIWA na kinabibilangan ng mga kabataang may edad labingwalo pataas at wala pang asawa. Ang mga dumalo ay nagmula sa mga lokal ng Iglesia Ni Cristo sa silangang bahagi ng Pangasinan. Sa nasabing […]
Dabawenyo, lalong hinangaan si Pangulong Duterte, matapos ang unang SONA
DAVAO City (Eagle News) — Lalo pang hinagaan ng mga Dabawenyo ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos ang kauna-unahang nitong State of the Nation Address (SONA) noong Lunes, July 25. Matiyagang inabangan at kinasabikan ng lahat lalo pa’t ang tinuturing na ama ng Davao at tinatawag ng ilan na “Tatay Digong” ay nagpakahayag na muli ng kaniyang mga plano at gustong mangyari para sa kapakanan ng lahat. Sa lungsod ng Davao, bagama’t naging masungit ang panahon […]
Araw ng SONA, nagmistulang holiday sa Davao City
DAVAO City (Eagle News) — Sa kabila ng masungit na panahon noong Lunes, July 25 matiyang inabangan ng mga Dabawenyo ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ng bansa na si Rodrigo Roa Duterte sa Davao City. Nagmistulang holiday ang siyudad ng Davao dahil marami ang naghintay at kinasabikang mapakinggang muli ang mga payahayag pangulo. Ilang araw bago ang SONA, kapansin-pansin ang lalong pagdami ng mga tao na pumupunta ng Davao lalo na […]
Local Flight para sa Ormoc City to Cebu, magsisimula na sa darating na Nobyembre, 2016
ORMOC City, Leyte (Eagle News) — Sa layuning maging accessible ang Ormoc City sa lahat ng mga turista, dayuhan o lokal man ay nakipag-pulong nitong Huwebes, July 21 si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa Area Manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), Ormoc City na si Allan Meode upang pag-usapan ang posibilidad ng pagkakaroon ng biyahe ang alinmang Airline Companies direktang papuntang Ormoc City. Samantala, nagkaroon ng positibong resulta ang nasabing pagpupulong dahil […]
Clean Up Drive isinagawa ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa iba’t-ibang lugar sa Capiz
CAPIZ, Philippines (Eagle News) — Pinangunahan ng mga Kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang isinagawang Clean Up Drive sa iba’t-ibang lugar sa lalawigan ng Capiz. Ang ilan sa mga pinagsagawaan ng clean-up drive ay ang bayan ng Panitan, Mambusao at Panay. Nagdala ng kani-kaniyang gamit panglinis ang mga kaanib ng Iglesia gaya ng dust pan, walis tingting, kalaykay at mga sako na paglalagyan ng mga basura. Nasa 500 na mga kaanib ang buong kasiglahang nakipagkaisa para sa […]
Livelihood projects para sa mga PWD palalakasin
Kasabay ng pagdiriwang ng National Disability Prevention and Rehabilitation week tiniyak ng lokal na pamahalaan ng San Jose City ang pagpapalakas sa mga programang pangkabuhayan para sa mga PWD.
Demand ng tuna sa Gen. Santos City, bumaba
GENERAL Santos City, Philippines (Eagle News) –Bumaba ng sampung porsyento ang bagsakan ng tuna sa General Santos City sa unang kalahati ng taon. Ito ay dahil sa pagbaba umano ng demand ng frozen raw materials mula sa local tuna canneries. Sa datos ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA), umabot lang sa higit isang daang libong metriko tonelada ang bagsakan ng sariwa at frozen tuna kumpara sa higit isang daan at labing-apat na libo noong 2015. […]